Chelsy's POV
"Good morning world! It's a new day and a new beginning " Masayang sambit ko habang inaayos ang blanket ko sa kama.
Maagang akong nagising upang makapag-ayos na at makababa na upang kumain ng breakfast. Kahapon kase di ako nakakain dahil sa sobrang excited kong pumasok at makita ang mga kaibigan ko, tas nung lunch break naman namin di rin ako nakakain ng maayos dahil sa inis na nararamdaman ko dahil sa bago naming kaklase
Pagkatapos kong gawin lahat ng ritual ko sa katawan ay bumaba na din ako agad.
"Goodmorning Mommy! , Goodmorning Daddy! Goodmorning Yaya Ising!" masiglang bati ko sa mga ito sabay halik sa pisngi ng bawat isa.
"Goodmorning din Chelsy" natatawang bati ni Yaya Ising sakin sabay yakap .
"Mukhang good mood ka ngayon anak ha , malayong-malayo ka sa itsura mo kagabi" pang iinis na sabi ni daddy sakin
"Myy oh ang daddy nang-aasar na naman" sumbong ko habang nakatulis ang nguso ko
"Dyy wag muna ngang asarin yang anak mo , mamaya umuwi na naman yang nakabusangot e , hahaha" nakangiting sambit ng mommy nya
Habang masaya akong kinakain ang paborito kong chocolate pancake ay bigla akong tinanong ni daddy
"Chelsy anak , ano bang nang-yari sayo kahapon at sambakol ang mukha mo hanggang naghahapunan tayo?" Seryosong tanong ni daddy
"Kase naman myy, dyy may antipatikong lalaking bumangga sakin kahapon tas hindi man lang ako tinulungang tumayo tas tinanong pa ako na kung ilang isda ba naman daw ang nahuli ko" naiinis kong sabi
"Ganun ba anak? May masakit ba sayo? Ano pang sunod na nangyari?" nag aalalang tanong ng mommy nya
"Wala namang masakit na sakin myy, tas alam nyu ba bigla na lang tumakbo yung lalaki paalis di man lang nag sorry tas its turn out na magiging kaklase pa pala namin sya" naiinis parin talaga sya kapag naaalala yung nangyari kahapon
"Gusto mo bang kausapin ko yung bumangga sayo or yung principal nyo para ilipat sya ng ibang section?" tanong ng daddy nya
"Naku dyyy , dont worry kaya ko naman ang sarili ko tsaka you dont have to do that naman e" sabi ko sakanila
"Sya sige na , bilisan nyo na ng makaalis na kayo , baka malate na naman kayo" saad ni mommy
Pagkatapos naming kumain inihatid na kami ni mommy sa garahe at hinalikan nya ako sa noo samantalang sa labi naman si daddy
"Dyyy tara na agang aga PDA kayo dyan e" nandidiring saad ko
"Anong PDA anak?" tanong ng mommy habang sumasakay naman si daddy sa kotse
Umaandar na ang sasakyan ng isigaw ko kay mommy na "Mamaya kuna lang ipapaliwanag myy, malalate na kami e hahaha" natatawang sambit ko
Habang binabagtas namin ng daddy ang daan papunta sa eskwelahan ko muli itong nagtanong " Sigurado kabang ayaw mong kausapin ko yung kaklase mo?" umandar na naman ang pagka over protective ng mga daddy nya.
"Naku naman dyy ang kulit mo din e , sabing kaya kuna ang sarili ko tsaka I'm strong na kaya, I can protect myself na" natatawang saad ko
"Big girl na talaga ang anak ko, pero tandaan mo ikaw parin ang baby namin ng mommy mo" nakangiting turan nito habang nakaakbay sa kanya
"Ofcourse naman dyy , alam kong ako lang ang baby nyo ako lang anak nyo e. Sige na dyy bababa na ako . Byee ingat ka dy" sabay halik ko sa pisngi ni daddy bago bumaba sa kotse naman
"Bye anak, ingat ka" umalis si daddy habang kumakaway sakin
Katulad kahapon may nakapaskil na ngiti parin ako sa aking labi habang naglalakad papasok ng aming eskwelahan, pero di gaya kahapon matiwasay syang nakapasok ng kanilang room kaya naman masigla syang bumati sa mga kaklase nya.
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Dla nastolatkówPano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...