"Who could refrain that had a heart to love and in that heart courage to make love known?"-William Shakespeare.
~x~
#1: Meet EROS SZAMIEL VERJIL DEL LAXSAMANAAko si Eros Szamiel Verjil Del Laxsamana. Isa akong anghel na may misyon sa lupa. Well hindi sya misyon, kundi trabaho. Ang matchmaking o pagpaparahes ng mga taong nakatakda para sa isa't isa. Ilang dekada ko na itong trabaho. Sabihin na nating ako sa Kupido. Pero imbes na pana at palaso, notebook ang hawak ko. Sa nagdaang mga dekada, maraming tao na akong napaibig sa isa't isa. Lahat ng mga pangalan nila ay nakasulat sa notebook ko.
"Psst Kupido. Tawag ka daw"
"Artemis, Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kupido ang pangalan ko. EROS. E-R-O-S"
"Ewan sayo. Parang iniba lang eh. Kupido ka parin"
Pumunta naman ako sa kwarto ng kataas-taasang Zeus. Sya ang namamahala ng kaharian.
"Pinatawag nyo daw po ako?"
"Maupo ka"
Sinunod ko naman ang sinabi nya.
"Bakit po?"
"Matagal ko nang naririnig sa mga kasamahan mo dito ang tungkol sa reklamo mo"
"Po?"
"Gusto mo ng magbakasyon?"
"Opo sana eh"
"Papayagan kita pag natapos mo ang trabaho mo"
Umalis naman akong may ngiti sa labi. Sa wakas makakapagbakasyon narin ako!
Yipiiii!
"Oh anak, ang saya saya mo ata?"
Nakasalubong ko naman ang maganda kong inang Venus.
"Makakapagbakasyon na kasi ako ma! Papayagan daw ako ni Haring Zeus pagtapos ng trabaho ko. Tamang tama dahil konti nalang ang nasa listahan ko"
Pasipol sipol naman akong naglakad papunta sa hardin ng palasyo. Habang naglalakad ay nakita ko naman si Achelous malapit sa ilog.
"Achelous!"
"Oh Eros? Napadaan ka?"
"Hulaan mo kung sino ang magkakaroon ng bakasyon?", nakangising tanong ko.
"Sinong magbabakasyon?"
"Ako!", sabi ko at tumawa ng malakas.
"Umalis kana nga. Naiirita ako sa tawa mo"
Naglakad na ulit ako papunta sa Hardin.
"Adonis!"
"Wag ka nang magsalita. Alam kong magbabakasyon ka. Ayokong marinig ang nakakainis mong boses", nagtakip naman sya ng tenga. Nagkibit balikat naman ako at umupo sa kabilang bahagi ng fountain at binuklat ang notebook ko.
Tignan natin...
Cheska at Allan...
Matthew at Sarah...
Paula at Julius...
Arianne at...
Teka bakit wala syang kapares?
Itinago ko naman ang notebook ko at bumalik na sa palasyo. Siguro may problema dun sa itinakda para kay Arianne.
"Oh anak, hindi kaba magtatrabaho ngayon?"
"Ah magtatrabaho na nga po hihi"
~
"Oh Eros? Magtatrabaho kana?"
"Opo. Pakibukas nalang po nung portal"
Sinunod naman nya ang sinabi ko at binuksan ang isang portal na papunta sa mundo ng mga tao. Pumasok na ako at sumakay sa isang mahiwagang ulap na maghahatid sakin papunta sa lupa. Maya maya pa ay nakarating na ako sa lupa. Nagbalat kayo ako na isang matandang pulubi.
"Okay... Una sa listahan... Cheska at Allan"
Nagpalakad lakad naman ako sa kalsada ng EDSA nang mabangga ko ang isang babaeng mukhang nagmamadali.
"Pasensya napo Lolo, nagmamadali po kasi ako", paumanhin nya bago tumakbo ulit.
"Cheska cheska cheska... Ayun!"
Nakita ko naman si Cheska na papasok palang sa isang coffee shop.
"Pano ko ba to gagawin?"
Nakita ko namang padaan si Allan malapit sa pwesto nya. Ginamit ko naman ang kapangyarihan ko na magpalutang ng bagay para tumilapon sa inaapakan ni Cheska yung balat ng saging.
Nadulas si Cheska at agad naman syang sinalo ni Allan.
Mission Success!
Ilang araw lang magiging sila na o pwede ding hindi.
Hindi natin alam ang magiging kapalaran nila. Hindi din ako pwedeng makialam pa dun dahil ang trabaho ko lang ay pagtagpuin sila. Desisyon parin naman nila kung papaano nila haharapin ang future nilang dalawa. Limited lang din ang powers ko kaya hanggang dun lang ang makakaya ng isang matchmaker na gaya ko.
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...