"The man that hath no music in himself, Nor is not moved with concord of sweet sounds, is fit for treasons, stratagems and spoils."-William Shakespeare
~x~
#5: FINDING SOULMATENagising ako dahil sa ingay ng alarm clock.
"Gising kana"
Muntikan naman akong mahulog sa kopma dahil sa gulat. Nakaupo sya sa sofa dito sa kwarto ko habang nagbabasa ng libro.
"Pwede bang tigilan mo na ang panggugulat?"
Tumayo naman ako sa kama at pumunta sa banyo para magsipilyo. Kailangan ko nang maghanda para sa pasok ko.
"May klase ako ngayong araw. Dito kalang"
"Sasama ako! Baka dun mo makita ang taong itinakda para sayo!"
Ano namang idadahilan ko sa mga kaklase ko? Na nagaalaga nadin ako ng mga retarded na bata? Hay nako bahala na.
"Sige. Magbihis ka. Ay wait. Mag-antay ka dito may kukunin lang ako"
Pumunta naman ako sa kwarto ni mama at kumuha ng mga lumang damit ni papa. Matagal nang di umuuwi si papa kaya pwede sigurong hiramin ko yung mga damit nya.
"Ito ang isuot mo. Mga lumang damit yan ni papa"
Ibinigay ko naman sa kanya ang damit tinulak sya papunta sa banyo.
~
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nadungisan ang simpleng damit na ipinasuot ko sa kanya. Nagsitulan syang model sa porma nya. Nakakainis. Pagkakaguluhan to ng mga kaklase kong babae.
Bahala na nga.
"Dyan ka dumaan sa bintana. Tumalon ka kung gusto mo. Ikaw bahaal. Hindi ka pwedeng dumaan sa harap. Makikita ka ng mama ko"
Bumaba naman ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tinapay.
"Ingat sa skwela anak"
Pagkalabas ko ay umikot ako sa gilid ng bahay. Nakita ko naman si Eros na pinapagpagan ang sarili nya.
"Tumalon ka?"
"Sa tingin mo?"
"Ewan. Halika na! Mahuhuli na tayo sa jeep", kinaladkad ko naman sya papunta sa sakayan ng jeep na nasa harap lang ng gate ng subdivision namin.
~
"Wag kang gagawa ng eksena ha"
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa first class ko. Pinagtitinginan naman kami ng mga nakakasalubong namin.
"Sino sya Reigh?"
"Ah kaibigan ko"
"Reto mo naman ako sa kanya"
"Che!"
Kinaladkad ko na si Eros bago pa sya lapitan at pagkaguluhan ng mga babae sa hallway. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating na kami sa room.
"Care to explain why are you late Ms. Hills?"
"A-ah kasi po—"
"Tinulungan nya po ako"
"Who are you Mister?"
"Ako po si Eros. Kaibigan po ni Arianne"
"Makikisit-in lang po sya hehe"
Hinila ko naman sya at naupo na. Hindi naman ako makapagfocus dahil sa mga babaeng nakatitig kay Eros.
"Can you be normal?", inis na sabi ko.
"May problema ba?"
"*grunts* why are you built like that?. Nakakadistract ka sa paningin ng mga babae dito"
Nginitian naman nya yung mga babaeng nakatitig sa kanya. Nakakainis naman.
"Ano bang gusto mo sa isang lalaki?"
"Bakit mo natanong?"
"Para may ideya ako sa lalaking hahanapin ko noh"
"Wala akong gusto sa lalaki"
Tinignan naman nya ako na parang gulat.
"Baka babae ang itinakda para sayo! Bat di ko naisip yon?"
"Sira! Ayoko din magkajowa ng babae noh!"
"Alam mo, pinapahirapan moko"
"weh? Sa anong paraan kita pinapahirapan aber?"
"Simpleng tanong lang naman ang tinatanong ko. Akala mo ba gusto kong magtagal sa puder mo? Gusto ko na magbakasyon. Tulungan mo naman ako makapagday-off. Makisama ka naman"
Napaismid naman ako sa ipinakita nyang pagmamaktol.
"Oo na. Yung mabait. Happy?"
"Yun lang? Napakadami kayang mabait na lalaki sa buong Pilipinas"
"Ewan ko sayo. Eh sa yun ang tipo kong lalaki"
Napahilamos naman sya ng mukha at bumuntong hininga.
"Wala kabang crush dito sa klase mo? Baka yun na yung lalaking itinakda para sayo"
"Wala"
"Seryoso ka? Wala kang natitipuhang lalaki sa mga kaklase mo?"
"Wala nga. Wala akong panahon sa mga ganyan"
"Huhu pano na ko makakapagbakasyon netoh"
Tinapik ko naman ang balikat nya. "Wag kang mag-alala. Tutulungan parin kita. Hahanap parin ako ng forever para makaalis kana sa bahay ko"
*kringgg*
"Tapos na ang klase. Halika na!"
Hinila ko naman sya at dinala sa cafeteria.
"Gutom kaba?"
"Oo. Bakit? Bibilhan moko ng pagkain?", lumiwanag naman ang aura nya.
"Sinong may sabi? Kita mo yung nagtitinda dyan? Gwapo noh? Sa tingin mo, yan ba ang itinakda para sakin?", tanong ko.
"Hmm. Parang hindi. Wala naman akong nakikitang espesyal sa kanya. Saka tancha ko kaedad na yan ng mama ko"
"Grabe ka. Pero sabagay, mukha nga syang matanda"
Kumuha na ako ng pagkain para samin ni Kupido.
"Eh yung basketball player nayon? Matagal na kong napopogian don eh. Tingin mo?"
"Wala din akong makitang espesyal sa kanya"
Naku naman. Mukhang matatagalan ata kami sa paghahanap netoh.
"Pano mo ba nasasabing espesyal ang isang tao o hindi? Ano yon? Minamagic at hinuhulaan mo lang?"
"Lahat naman ng tao espesyal. Pero sa mga ganitong sitwasyon hinahayaan mo lang ang instinct mo na manghula. Tsaka ikaw mismo makakaramdam ka ng kakaibang koneksyon sa taong nakatakda para sayo. Hindi kaya madali ang maghanap ng taong itinakdang magmamahal sayo. Hindi naman yun instant noodles na madaling lutuin. Gets mo?"
"Oo na oo na. Nagbabasakali lang naman ako na isang gwapong nilalang ang magiging forever ko noh"
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Dla nastolatkówHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...