"We cannot conceive of matter being formed of nothing, since things require a seed to start from... Therefore there is not anything which returns to nothing, but all things return dissolved into their elements."-William Shakespeare
~x~
#2: Meet ARIANNE REIGHLEXIS ZANE HILLS"Reigh! May tawag ka!", sigaw ni mama sa baba.
Hays. Eto na naman ang makulit kong boss
"Wag nyo po sagutin!", sigaw ko.
"Anong wag sagutin? Bumaba ka dito! Kausapin mo to!"
Tss. Paniguradong si boss lang yan na nangungulit na naman. Kahit labag sa loob ko ay bumaba ako at sinagot ang tawag.
"Bakit po Sir?"
"Asan kaba Arianne?! Alam mo bang ngayon ang board meeting?! Pag wala kapa dito in 30 minutes, sesante kana!", at binaba na nya ang tawag. Hay nako, bakit naman nila kailangan ng janitress don? Tss.
Yap. Janitress ako. Actually, part time job ko lang. Kailangan ko kasi ng pera para sa tuition fee ko. Kulang lang ang kinikita ni mama sa pagbebenta ng sabon kaya naoagdesisyonan ko na kumuha nalang ng part time job at pagjajanitress ang napasok ko. Hindi ko naman yon ikinahihiya dahil maayos naman ang sweldo na natatanggap ko don.
Nagbihis na ako at nagcommute papunta sa sa sakayan ng bus. Habang tumatakbo ako ay may nabangga akong isang matandang pulubi.
"Pasensya napo Lolo, nagmamadali po kasi ako", paumanhin ko bago tumakbo ulit. Maiiwan na ako ng bus!
"Teka sandali!", hinabol ko naman yung bus. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Dapat makasakay ako dahil matagal pa ang susunod na bus.
"Intay!", sigaw ko. Hinabol ko ang bus ng isang buong minuto saka lang ako napansin ng konduktor.
Hinihingal naman akong sumakay sa bus.
~
"Linisin mo ang buong opisina ko. Dapat pagbalik ko, wala na akong makikitang alikabok"
"Opo sir"
Hays.
Kinuha ko naman yung balde at mop at sinimulang i-mop ang sahig.
Dalawang buwan na akong nagtatrabaho dito. Sa loob ng dalawang buwan na yon eh hindi ako nakarinig ni isang papuri galing sa kanya. Pinaglihi yan sa sama ng loob eh. Kahit siguro pakintabihin ko ang sahig ng buong opisina nya eh hindi non mababago ang pag-uugali nya. Hindi ko talaga maintindihan kung pano sya nagkaroon ng magandang nobya eh ang suplado at ang arte nya.
Siguro ganun nga talaga ang buhay. Minsan yung mga bagay na hindi inaasahan, yun pa yung mga nangyayari. Ika nga nila 'Expect the unexpected'.
Minsan din nangyayari talaga yung mga bagay na sa panlabas ay di kaaya aya pero yun pa mismo ang nakakabuti sayo.Hays buhay.
Iniayos ko naman ang mga libro sa shelf ng opisina ni Sir. Maalikabok na ang mga libro. Halatang matagal na simula nung huling ginamit. Nakuha naman ng isang libro ang atensyon ko. Ito lang yung nag-iisang puting libro sa shelf.
Mitolohiya.
Eh? Mythology na naman? Di naman totoo ang mga yan eh. Minsan napapaisip ako kung pano nila nagagawa ang mga ganung kwento. Para itong mga sangang tumubo mula sa isang malaking puno.
Umuga naman ang maliit na hagdan na tinatayuan ko kaya nabitawan ko ang libro na hawak ko. Eksakto naman itong napunta sa pahina tungkol kay Cupid.
Si Kupido o Cupid ay ang Dyos ng pag-ibig, karahasan at atraksyon. Sya ay bunga ng pagmamahalan ni Venus (Aphrodite) na Dyosa ng kagandahan at ng Dyos ng Digmaan na si Mars.
Ibinalik ko na sa shelf yung mga libro matapos itong isa-isang nilinis.
~
"Nalinis mo ba ang buong sulok?"
"Opo sir!"
"Ok. Makakaalis kana"
Nang matapos na ang buong araw ko na trabaho bilang janitress ay umuwi na ako at naghanda para sa online class ko. Hindi lang pagjajanitress ang part time job ko. Pumasok din ako sa pagtuturo ng ingles sa mga batang koryano't koryana.
~
"Bye teacher!"
"Ba-bye. Make sure to practice your english okay?"
Tumango naman sya at kumaway. Pinatay ko na ang tawag at nahiga. Haysss. Nakakapagod.
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...