Chapter 9

26 4 0
                                    

"It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves."-William Shakespeare

~x~
#9: A Day in Life

"Reighlexis! magsampay kana dito!"

"Opo!"

Bumaba naman ako at kinuha ang basket ng mga nilabhang damit. Nagsimula na akong magsampay ng mga damit hanggang sa mga underwear ko.

"Ganda ah. Powerpuff girls pa talaga", napalingon naman ako sa tumatawang si Eros. Napaisip naman ako saglit, saka ko lang narealize yung pinagtatawanan nya. Yung underwear ko! Agad ko namang kinuha yon at ibinalik sa basket.

Nakakahiya.

"K-kanina kapa ba dyan?"

"Nah. Kakarating ko lang. Pano ka naman makakahanap ng lalaking para sayo kung may ganun kang panloob", tumawa na naman sya. Namumula na ko dahil sa halong inis at hiya.

Pambihira naman oh.

"Alam mo kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka nalang. Panira ka ng araw", inirapan ko naman sya bago nagsampay ulit.

"Ang sarap mong asarin"

"Heh! Umalis kana!", umalis naman sya habang tumatawa.

Napatingin naman ako dun sa powerpuff girls ko na underwear.

Tss. Ang cute kaya

~

"Reighlexis!"

"Ma! Ang lapit lapit ko lang oh. Kailangan pa ba sumigaw ha? Di ako bingi ma", reklamo ko. Ang lapit lapit lang eh sumisigaw pa. Kala mo di sya nakakabasag ng eardrums.

"Ang dami mong arte! Magdilig ka ng halaman don! Pakainin mo nadin sila Bruno at Chico. Nag-adopt ka ng aso tas ako magpapakain ang gara mo ah. Dun kana!"

"Ito na!", padabog naman akong nagpakain sa aso naming si Bruno at Chico. Pansin ko naman ang panay titig sakin ni Chico.

"Wag mokong tignan ng ganyan. Wala ako sa mood", kumahol naman ito at lumapit sakin. Kinamot kamot ko ang tyan nya at nakipaglaro ng fetch sa kanilang dalawa.

"Ang kukyut nyo talaga"

Hinanda ko naman yung timba at hose sa pagdidilig.

"need some help?"

"Ahh! Fudge! Stop scaring me will you?!"

Inagaw naman nya ang hose sa kamay ko at itinutok sakin dahilan ng pagkabasa ko.

"Eros! Ano ba!", tumatawa naman sya habang binabasa ako. Kinuha ko din ang timba at tabo para gantihan sya ng buhos.

"Arianne!"

"HA! Kala mo ikaw lang ha!", naggantihan kami sa pagbuhos ng tubig. Para kaming mga batang nakulangan sa yakap at atensyon ngayon. Kelan ba ako huling nakapaglaro ng ganito. Ang saya. Tumigil naman kami nang sawayin kami ni mama.

"Dyos ko kayong mga bata kayo. Nag-aaksaya kayo ng tubig! Mamahal ang singil ngayong buwan nyan!"

Bumalik naman kami sa loob at nagbihis. Damit parin ni papa ang pinasuot ko sa kanya. Ayos lang naman kay mama dahil nirason ko sa kanya na hindi makakauwi si Eros at wala syang nadalang damit.

"Hindi ba tayo maghahanap ngayon?", tanong ko sa kanya.

"San naman tayo pupunta?"

"Alam ko na! Mag-mall tayo. Tamang tama dadaan ako sa National Book Store"

Nakapagbihis na kami at nagdisesyon nang umalis. Ginamit ko yung konting ipon ko na sinadya ko talaga para sa librong gusto kong bilhin. Sumakay naman kami ng jeep at natatawa ako sa kalagayan ni Eros. Ang babaw kasi ng bubong jeep kaya panay ang yuko nya. Ako naman chill lang, dahil hindi ko na kailangan yumuko. Diba, may advantage din ang mga height na ganito.

"Sinong bababa?"

"Kami po Manong!", huminto naman ang jeep at bumaba na kami. Kitang kita ko naman ang mukha ni Eros na parang pinalabas sya mula sa isang nakakatakot na kulungan.

"Hays sa wakas! Akala ko mababali na leeg ko", nag-inat inat naman sya.

"Lika na!"

Dinala ko sya sa National Book Store at nagsimula nang maghanap ng librong bibilhin.

EROS' POV

"Ano bang hinahanap mo?", tanong ko sa kanya.

"Wag kang magulo"

Naupo naman ako dun sa upuan malapit sa school supply department. Tanaw ko parin si Arianne mula dito. Pansin ko naman isang lalaking kanina pa nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo ko at lumapit sa pwesto ni Arianne. Tinignan konng masama yung lalaki at umiwas naman sya ng tingin. Dinidikit nya ang sarili nya kay Arianne kaya sumiksik ako sa pagitan nila at nagkunwaring tumitingin sa mga libro.

Kahit di naman.

"Eros ano ba"

"May hinahanap lang din ako na libro", umirap naman sya at pinagpatuloy ang ginagawa nya. Medyo dumistansya naman yung lalaki nang pumagitna ako. Nang matapos sya sa pamimili ay lumabas na kami sa Book Store.

"San tayo?", tanong ko.

"Sa department store tayo"

Hinila naman nya ko sa department store at kumuha ng cart. Ako ang pinagtulak nya habang sya kumukuha ng bibilhin.

"Puro pagkain lang yang binibili mo ah"

"Wag kang magulo okay. Pag nagg-grocery si mama hindi nya ko binibilhan ng pagkain kaya ako nalang", sumunod naman ako sa kanya. Nakita ko na naman yung lalaki kanina sa bookstore. Panay na naman ang sulyap nya kay Arianne.

Ang weirdo ng lalaking to.

"Bilisan mo Arianne"

"Teka lang okay. Wag kang magulo. May kukunin lang ako dun sa pastry section, dito kalang okay"

"Sasam—"

"Wag na. Madaming tao dun. Mag-antay ka nalang dito"

Pinanood ko naman syang umalis. Natatanaw ko parin naman sya mula dito.

"Kuya, artista kaba?", nagulat naman ako nang lapitan ako ng isang babae.

"Uh pasensya na—"

"Kuya pwede magpapicture?"

"Ha?", napalingon naman ako kay Arianne. Nasa pastry section parin sya.

"Sige na kuya. Ampogi mo kasi eh"

"Ah...sige"

Inilabas naman nya ang cellphone nya at nakipagpicture sakin.

"Salamat kuya", umalis na ang babae kaya binalik ko na ang tingin ko kay Arianne.

Teka.

Asan sya?

Nilibot ko naman ang paningin ko sa department store pero di ko sya makita.

Pambihira. Pano ako makakauwi, wala akong pera. Maya-maya pa ay may lumapit ulit na babae sakin. Tatlo naman sila ngayon. Gusto din nila magpapicture. Pinagbigyan ko naman habang nililibot parin yung tingin sa paligid. Sunod-sunod naman ang paglapit ng iba pang babae sakin. Hanggang sa magkumpulan na sila sa dami.

"Tekaaa! Padaan!", boses ni Arianne yung narinig ko.

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon