Chapter 11

29 4 0
                                    

"Love is a smoke made with the fume of sighs."-William Shakespeare

~x~
#11: SAY HI TO STEPHAN

"Papasok muna ako", paalam ko.

"Sama ako"

"Eros, madidistract lang ang mga babae dahil sayo"

"Sige na"

"No. Dito kalang. Antayin mo nalang ako mamayang uwian. Byeee~"

~

Nasa math class ako ngayon at busy sa pagn-notes ng mga sinusulat ni maam sa board. Kitang kita sa mga mukha ng kaklase ko ang pagkabagot... Well maliban sakin. Kahit bumibigay na ang mata ko eh pinipilit ko paring magsulat. Kailangan kong makapag-aral para makakuha ng mataas na grade.

*kringgggg!*

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko at nag-unahang makalabas sa room. Lumilipad ang isip ko dahil sa antok. Parang gusto ko nalang mahiga sa sahig at matulog.

*boogsh*

Nahulog naman sa sahig ang mga bitbit kong libro dahil sa nakabangga sakin.

"Hindi kaba tumi—Diba ikaw si Reighlexis?"

"Ahm oo bakit?"

"Ako nga pala si Stephan"

"Kilala ba kita?"

"Ah pasensya na. Ako yung varsity ng basketball dito sa school.", pinulot naman nya yung mga nahulog kong libro.

"ahh..Mauna nako"

"Wait! U-uh ahmm. Pwede ba kitang ilibre mamayang recess? Don't worry ililibre kita kahit anong gusto mo"

"Bakit naman?"

"Ahm.. Sorry ko nadin dahil nabangga kita?"

"Kasi—"

"I won't take 'no' as an answer. Antayin kita maya!"

Napabuntong hininga nalang ako at lumakad na. Nakaramdam naman ako ng kung ano sa katawan ko pero binaliwala ko lang yun at pumunta na sa susunod na class. Nakakagulat naman yung bigla nyang eksena.

~

"Reigh! Dito!", napalingon naman ako sa isang table na puro mga basketball players lang ang nakaupo. Kumaway kaway naman sya at sinenyasan akong lumapit.

"Mabuti sumipot ka. Sya nga pala mga tropa ko. Kateam ko din sila sa basketball"

"Hi Reigh!"

"Uhm hello"

Tahimik lang akong kumakain habang nagtatawanan sila at nagkukwentuhan.

"Reigh, antahimik mo ata"

"Ah pasensya na. Hindi lang sanay"

"Hindi sanay sa alin?"

"Ah wala"

Inakbayan naman nya ako kaya nagulat ako at napatigil sa pagkain. May kung ano akong naramdaman sa kaloob-looban ko. Di ko madescribe. Ang weird.

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon