Chapter 17

22 4 0
                                    

"To be or not to be that is the question. Whether 'tis nobler in the mind to suffer the slings and arrows of outrageous fortune, or take arms against a sea of troubles, and by opposing, end them."- William Shakespeare

~x~
#17: The Acquaintance Party

Arianne's POV

Sabado ngayon and guess what?

Ngayon ang reunion!

Kinakabahan ako. Madaming what if's na umiikot ngayon sa utak ko.

What if pumalpak kami?

What if hindi sila ma convinced?

Nakasuot na ako ng long gown at naglagay ng kaunting make up. Hindi naman ako marunong sa ganun. Inaantay ko nalang si Eros dito sa sala.

"Anak, nasa labas na yung Tito mo. Magpasalamat ka ihahatid kayo dun. Naku, ayaw kong magcommute kayo na ganyan ganyan ang itsura. Masisira lang outfit nyo. Asan na ba yung nobyo mo?"

"Bab—"

"Tara na"

Bumaba sa hagdanan ang isang napakagwapong nilalang. Ako lang ba? O talagang bumabagal yung paligid? I didn't expect him to look nice sa suit ni papa.

Woah.

"Ang gwapo mo tignan hijo. Mas gwapo ka pa sa dating nagsuot nyan"

Pinasuot namin sa kanya yung suit ni papa nung kinasal sya kay mama. Wala na kong makitang ibang suit eh. Mahal naman kung bibili.

"Punasan mo na yang laway mo. Tara na", agad kong hinawakan ang gilid ng labi ko.

Eww! May laway nga.

Sumakay na kami sa sasakyan ni tito.

"Akala ko hindi kana magkakanobyo hija", sabi ni tito at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

"*fake laugh* akala ko din po eh"

Naramdaman ko naman ang mainit na kamay ni Eros. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Hinayaan ko lang ang kamay nya hanggang sa makarating kami sa school.

~

"Salamat sa paghatid tito. Wag napo kayo mag-alala pag-uwi. Magc-commute nalang kami"

"Sigurado kayo? O sige basta mag-ingat kayo ha"

"Iingatan ko po sya", sabi ni Eros at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Kinikilig na ako neto pano pa kaya pag gumawa na sya ng eksena mamaya?

"Tara na."

Pumasok na kami sa loob ng gymnasium at wow. Ang ganda ng design. Ang tagal narin simula nung bumisita ako dito sa dati kong school. Ang dami nang nagbago. Yung mga dumadaang teacher di ko na kilala. May mga nakakasalubong din kaming mga naging teacher ko noon.

Small talk lang ganun.

"Oh hi Reighlexis! Kamusta?"

Tss. Kahit kailan ang peke nya parin. Sya si Tina, isa sa mga nambubully sakin noon.

"Ayos lang"

"Sino yang kasama mo?", maharot na tanong nya habang nakatitig kay Eros.

"Ah—"

"Boyfriend nya bakit?", singit ni Eros.

"Really? Binayaran kalang ba nya para magpanggap na boyfriend nya? *fake laugh* everybody knows na she's gonna due single"

Napayuko ako pero hinawakan ni Eros ang kamay ko. Napapatingin nadin samin yung iba ko pang naging schoolmate.

"Ikaw? Binayaran kalang ba para magpanggap na mabait sa harap ng mga tao?"

Naghiyawan naman yung mga nasa paligid namin.

Take that you Tina-lo pati teacher.

Hmp.

"How dare you!", akmang sasampalin nya si Eros nang unahan ko sya.

"Wag mo ngang hahawakan yung boyfriend ko. Hindi sya pumapatol sa mga kagaya mo", matapang na sabi ko. Mukhang nahiya naman sya kaya tumakbo sya papaalis sa venue.

"Ang galing ng acting mo ah", bulong ko kay Eros.

"OMG. Lexis bakla! Naaalala mo pa ko?"

"Oh my gosh! Michael?"

"Ano ba! Michelle noh. Babae ako remember *hair flip*"

"May bayag ka parin Michael *laughs* sya nga pala, si Eros, boyfriend ko"

Nginitian naman sya ni Eros kaya hinila nya agad ako at binulungan.

"Saang langit mo yan napulot bakla? Ba't ang pogi?"

"Hinulog sa langit bakla *laughs*"

"Ang swerte mo ah. Nakabingwit ka ng wafu. Ako neto ubos pera para sa mga bibi bois ko"

"Nanlalalaki ka parin bakla?"

"Syempre noh. Sayang yung beauty ko. O sya! Landiin ko lang yung dati nating kaklase, yung varsity? Single padin kasi yun eh"

"Go bakla!"

Naglakad naman sya na parang nasa pageant papaalis sa eksena.

"Gusto mo kumain?", tanong ko.

"Tara. Gutom nadin ako eh"

Pumunta kami sa food stall at kumuha ng makakakain.

"Pakiramdam ko dito mo na makikita yung tinadhana para sayo"

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Nawala na sa isip ko yung lalaking yon. Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinabi nya. Binilisan ko naman ang pagkain at nag-ayos ng mukha at damit.

"Ba't ka nag-aayos?"

"Syempre dapat maganda ako sa paningin ng lalaking magiging forever ko"

'Maganda ka namana sa paningin ko tss', bulong nya pero di ko masyadong marinig dahil sa ingay ng paligid. Nagsimula na ding magpatugtog yung banda sa stage.

(Now Playing: A whole new world *acoustic version*🎶)

"Gusto mo sumayaw?", umiling naman agad ako.

"Di ako marunong. Baka maapakan ko lang yung paa mo"

"May tiwala kaba sakin?"

That line hit different. Ako naba si Jasmine ngayon?

"Oo."

"Then let's dance. I'll teach you"

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon