"Expectation is the root of all heartache." -William Shakespeare
~x~
#6: FINDING SOULMATE PT. 2"Gising kana"
Nahulog naman ako sa kama ko dahil sa gulat.
"Ano ba! Kahapon kapa ha! Bat ang aga mo? Natulog kaba talaga?"
"Ikaw ba ang sumulat nito?"
Iniangat naman nya sa ere ang isang lumang libro na isinulat ko nung bata pa ako. Actually, yun yung diary ko. Mukha syang libro dahil isinulat ko talaga yon sa libro na walang laman.
"Hoy! San mo nakuha yan?!", inagaw ko sa kanya ang libro pero iniangat nya pa ang braso nya kaya di ko sya maabot.
Bwiset na height oh.
"Ibigay mo sakin yan! Ang daya! Porket 6'2 ka!"
"May naging crush ka pala dati eh!"
"Shut up! Ibalik mo na sakin yan please!"
"Ayoko nga"
Sinamaan ko naman sya at tinalikuran. Bahala sya. Pagsawaan nya sana ang diary ko. Tss. Nakakapagod makiusap sa mga taong hindi marunong makinig.
"Uy biro lang. Ito na oh"
Hindi ko sya pinansin at pumasok na sa banyo para maligo at maghanda sa trabaho. May pasok ako sa trabaho ngayon. Pag sinama ko si Eros don, papagalitan ako ni Boss.
~
"San ka pupunta?"
"Magtatrabaho"
Akmang aalis na ako nang hinarangan nya ang pintuan.
"Sasama ako"
"Hindi pwede. Papagalitan ako ng boss ko"
"Sasama parin ako"
"Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?"
"Hindi naman ako manggugulo. Tsaka baka nandun yung taong itinadhana para sayo"
~
"Wow. Dito ka nagtatrabaho?"
"Oo na. Wag ka nang maingay. Maglilinis na ako"
Kinuha ko naman yung mga gamit panglinis sa janitor's closet ang nagsimulang mag-mop sa hallway ng 1st floor. Hindi ko maintindihan kung bakit sa laki ng kompanyang ito, isang tagalinis lang ang hi-nire nila. Maya't maya ko naman sinisilip si Eros na nakaupo sa upuan malapit sa front desk.
"Pakitapon nalang to"
Ibinigay naman nya sakin ang isang walang lamang cup ng kape. Hay nako. Akala mo talaga kung sinong model. Katrabaho ko sya na lagi din akong tinatarayan.
"Sino yon?"
"Ahh! Pambihira ka Eros! Bat ba ang hilig mong manggulat?"
"Pasensya na. Sino ba yon?"
"Isa lang sa mga nagtatrabaho dito. Photographer yon dito"
"May gusto ka don?"
"Wala noh! At hinding hindi ako magkakagusto don! Mas malala payon sa boss ko!"
"Good. Dahil ayoko sya para sayo"
"Ha?"
"Wala", bumalik naman sya sa kinauupuan nya.
Magkakalahating oras na akong nagm-mop sa 1st floor. Si Eros naman nandun parin nakaupo.
"Hindi kaba nababagot?"
"Hindi. Pinag-aaralan ko lang yung mga tao dito"
"Ows? Oh ano namang napag-aralan mo?"
"Ang pangit ng mga ugali nila"
"Ha? Pano mo naman nasabing ang pangit ng ugali nila?"
"Kasi nagsasalita sila ng masama tungkol sayo"
Napatigil naman ako sa narinig ko.
"Halika na. Sa second floor naman tayo"
Tinulungan naman nya akong dalhin ang mga gamit panglinis ko. Naghagdan lang kami kaya hinihingal kaming nakapunta sa second floor.
Eros' POV
Binilinan ako ni Arianne na maupo lang dito malapit sa front desk. Pinanood ko naman syang maglinis ng sahig.
Ganito pala ang ginagawang trabaho nya. Gusto ko syang tulungan pero sigurado akong magpupumilit lang sya na hindi. Tinitignan ko din ang bawat empleyadong dumadaan malapit sa kanya.
"Rinig ko may kinakasama na daw yan si Reigh"
"Ow talaga? Sigurado ka?"
"Narinig ko lang yun kay Mark. Ang sabi nya buntis na daw yan kaya tumira na sa kinakasama"
"Naku naman. Ang bata pa nya para mabuntis"
"Naku. Mga kabataan talaga ngayon. Ang pupusok dyos ko!"
~
"Dyan kalang ha. Maglilinis lang ako"
"Tulungan nalang kita"
"Wag na. Hindi naman to parte ng misyon mo. Bat di mo nalang tignan yung mga ibang nagtatrabaho dito. Baka mamaya makita mo na yung lalaking para sakin"
Hindi ko sya pinakinggan at kinuha ang hawak nya na mop saka nagsimulang magmop ng sahig.
"Hindi ka talaga marunong makinig"
"Whatever"
~
"Pagod kana?"
Binigyan naman nya ako ng tubig at tinapay.
"Minsan may mga mababait na empleyado dito. Nagbibigay sila ng tubig at pagkain"
"Wala dito ang lalaking para sayo"
"Alam ko. Invisible kasi ako sa mata ng mga tao dito. Malabong nandito yung lalaking para sakin.
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...