Chapter 14

25 4 0
                                    

"Life's but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage and then is heard no more."-William Shakespeare

~x~
#14: PLAYED

"May pasok ka ngayon diba?"

"Ahh! Eros naman!"

"Hindi kaba maghahanda?"

"Oo na ito na ito na"

Pumunta na ako sa banyo at naligo. Nakapagbihis na din ako ng damit at handa nang umalis.

"Oh? Bat ka nakabihis?", tanong ko nang makitang nakabihis din sya.

"Sasama ako"

"Hay naku bahala ka nga"

~

Nasa room kami ni Eros. Nag-aantay ng recess. Tinext ako kanina ni Stephan na gusto nya daw kami makasabay sa recess kaya excited ako. Inalis ko nalang sa isip ko yung mga nakita ko kahapon. Baka kaibigan lang nya yon. Mabait at gwapo sya, natural lang na ngitian nya ang mga tagahanga nya.

*kringggg*

"Gusto mo ba talaga syang puntahan?", nagtaka naman ako sa tinanong ni Eros.

"Bakit?"

"Wala. Sige tara na"

Pumunta na kami sa canteen at hinanap ang table nila Stephan. Akmang lalakad na ako nang hawakan ako ni Eros sa braso.

"May problema ba? Bat parang kanina kapa weird?"

"Gusto mo ba sya?"

"Oo. Alam mo na yon diba"

"Ayokong masaktan ka..."

"Ano bang sinasabi mo?"

Napatingin naman ako sa table sa di kalayuan. Parang nanlamig at nawalan ng lakas ang mga binti ko. Nagbabadya ding tumulo ang mga mainit na likido mula sa mata ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa loob ko.

Lumapit naman ako sa kanila at bumati.

"Hi Stephan", napatigil naman sila sa paghahalikan at binaling ang tingin sakin. Nakita ko naman ang gulat sa mata ni Stephan.

"Reigh... I'm sorry"

"Sorry para saan?"

Pinilit ko namang wag mapiyok at magpahalata.

"I don't like you. Sya ang gusto ko."

"Bakit moko binibigyan ng ibang atensyon? Bakit moko binigyan ng bulaklak? Bat moko tinatrato na iba?"

Tumulo na ang luha sa mata ko na kanina pa gustong kumawala.

"Sorry kung nag-assume ka. Pinaglaruan lang kita Reigh. Hindi ko naman inasahan na mahuhulog ka. It was a dare. I don't have feelings for you. They made me do it. I'm sorry"

Hindi na ako nagsalita at tumalikod nalang. Ang sakit sa pakiramdam. Parang dinaganan ng sako ng semento yung dibdib ko. Ang bigat bigat.

Ito ba yung heartbreak?

Yung sinasabi nila na masakit na parte ng pag-ibig?

Nakakainis naman. Hindi ako nakapaghanda sa ganito. Ang sakit pala.

"Reigh—"

"Ayos lang. Pasensya na kung nahulog ako. Pasensya na kung nagkafeelings ako. Di ko alam eh. Di ko alam na pinaglalaruan mo lang pala ako. Sana sinabihan moko para naman nakapagpractice ako. Ang daya mo."

Nagwalk out na ako at hinila si Eros papalayo sa lugar na yon. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa madala ako ng mga paa ko sa hardin ng school. Umupo ako sa fountain at doon humagulgol ng iyak.

"I warned you Arianne..."

"Pati ba ikaw sisisihin ako sa maling ginawa ko? Na ginusto kong mahulog kay Stephan?"

"Hindi. Wala din naman akong magagawa eh. Nangyari na. Wag mo ngang iyakan ang lalaking yon. Wala naman syang kwenta. Hindi bagay sa isang prinsesa ang umiyak sa mababang uri ng mamamayan."

Napatingin naman ako sa kanya. Nakadungaw lang sya sa langit.

Prinsesa... Tinawag nya akong prinsesa...

"Hindi mo ba nasubukang umiyak dahil sa pag-ibig?"

"Nasubukan"

"Kay Psyche?"

"Sa maraming bagay. Marami kayang klase ng pag-ibig. Pwedeng pag-ibif sa Ina, pag-ibig sa kaibigan, kasintahan. Mga ganun"

"Eros."

"Hmm?"

"Ang swerte ni Psyche sayo."

"Pano mo naman nasabing maswerte sya sakin?"

"Dahil ang bait mo"

"Mabait? Dati nga halos isumpa moko dahil sinasabi mong pangit ang ugali ko*laughs*"

Parang lumiwanag ang awra nya nang tumawa sya. Siguro kung hindi sya anghel, pinatulan ko na to. Matagal ko na tong jinowa.

Ang sarap kasi sa pakiramdam na dinadamayan at binibigyan ka nya ng payo na di mo naman sinusunod. Yung gusto nya lang yung makabubuti sayo pero ikaw tong matigas ang ulo. Sinusunod yung pansariling kaligayahan mo.

"Dati yon. Narealize ko na mabuti kang tao. Pasensya kana kung di ko sinunod yung mga payo mo. Ang tanga ko kasi eh *laughs*"

"Lahat naman nagiging tanga dahil sa taong nagugustuhan nila"

"Pangit bako Eros?"

"Hindi"

Tumibok naman ng mabilis ang puso ko nang tinignan nya ko sa mata. Mukhang seryoso sya.

"Sa tingin mo, mahahanap ko pa kaya yung lalaking itinakda para sakin?"

"Oo naman"

"Gano ka kasigurado?"

"Ako ang scheduler Arianne. Pagdududahan mo pa yung sinasabi ko?"

"Malay ko.*sniff*"

"Ano bayan kadiri. May uhog ka. Iyakin kasi eh"

Inabutan naman nya ako ng panyo. Binugahan ko yon ng sipon at inilapit sa kanya. Tumayo naman sya at umiwas.

"Ano ba Arianne! Kadiri ka!"

"Bleh!"

Mas inilapit ko sa kanya ang panyo. Panay iwas naman sya kaya mas lalong nakakatuwa. Hanggang sa maghabulan na kami. Tumigil lang kami nang mapagod kami sa pagtakbo.

May klase pa pala ako!

Takte. Cutting naba tong ginagawa ko?

"May klase pako Eros!"

"Ha? Meron paba?"

Hays. Kahit papano nahimasmasan ako. Tama si Eros, hindi bagay sa isang prinsesa ang umiyam dahil sa mababang uri ng mamamayan. Siguro nga hindi sya para sakin.

Ok Arianne. Congrats. Achievement unlocked. May first heartbreak kana.

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon