"Be not afraid of greatness: some are born great, some achieve greatness, and some have greatness thrust upon them."-William Shakespeare
~x~
#8: Ang Buhay ni Eros"Tanong lang. Pano ka naging si Kupido?"
Tinignan naman nya ako ng nagtataka.
"Bakit mo natanong?"
"Curious lang ako pano ka naging Scheduler"
"Di ko alam. Isang araw nagising nalang ako sa bisig ng ina ko at pinalaki nila ako sa kung sino ako ngayon"
"Isinilang kaba talaga na isang Dyos?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, si Venus ba talaga ang totoo mong ina?"
"Oo naman"
Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga librong nabasa ko tungkol sa reinkarnasyon. Sabi sa libro, lahat daw tayo may nakaraang buhay. Sabi din sa libro na ang birthmark mo ang palatandaan kung pano ka namatay nung nakaraang buhay mo. Curious lang ako kung ang mga dyos at dyosa may past life. Yung iba nagiging reinkarnasyon ng mga malayong lolo at lola nila. Tsaka malay natin palaka pala ako nung nakaraang buhay ko. May isa pa akong nabasa na minsan nadaw syang naging isang Dyosa sa nakaraang buhay nya. Hindi nga lang kapanipaniwala.
"Ano bang pumapasok sa isip mo?"
"Ah wala. Tungkol lang sa mga nakaraang buhay"
"Nakaraang buhay?"
"Wag mo nalang isipin. Nabasa ko lang sa mga libro eh hehe"
Hindi naman sya umimik at humiga nalang para panoorin ang buwan.
"Umibig kana ba Eros?"
"Minsan na akong umibig"
"Anong nangyari?"
"Nawala nalang sya bigla"
"Panong nawala? Anong nangyari sa kanya? Namatay ba sya?"
"*chuckles* hindi noh pero somehow ganun. Isa syang mortal. Tao... Kagaya mo"
"Tao sya?"
"Oo. Wagas na pagmamahal ang ibinigay ko sa kanya. Akala ko gugustuhin nyang sumama sakin at maging imortal... pero pinili nya ang pamilya nya"
"Ang sabi sa libro naging imortal ka at si Psyche"
"Hindi lahat nang nakasulat ay totoo..."
Hinayaan ko naman ma lipadin ng hangin ang mahaba at kulay uling kong buhok.
"Lumalamig na... Pasok na tayo"
Bumalik na kami sa kwarto at nagpahinga. Hindi lahat ng nakasulat sa libro ay totoo... May chance kaya na hindi din totoo ang reinkarnasyon? Hays. Ano batong mga iniisip ko.
Masyado nang out of the universe.
~
*tut tut tut*
"Gumising kana"
"Ahh!"
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Babawasan ko na ang pag-inom ng kape. Hays. Nagiging nerbyosa at magugulatin na ako.
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...