"What is past is prologue."- William Shakespeare
~x~
#13: Eros meets StephanInalis ko naman ang pagkakatakip ng kumot nang maramdaman ko ang pag-alis ni Eros. Di ko alam kung makokonsensya ba ako. May kasalanan din ako sa kanya. Trabaho nya ang pagiging scheduler, dapat hinayaan ko lang sya. Dapat hindi na ako nagpumilit na maging si Stephan ang maging soulmate ko.
Nakita ko naman syang pumasok sa kwarto kaya sinalubong ko sya ng yakap. Basta ko nalang sya niyakap. Pakiramdam ko dapat ko gawin yon.
"Sorry Eros"
"Pasensya kana din. Sige, ipakilala moko kay Stephan para masuri ko sya at nang malaman ko kung karapat dapat ba sya sayo"
Ngumiti naman ako at niyakap ulit sya. Para naman ako nakuryente nang idikit ko ang katawan ko sa kanya.
Ang weird.
"Bukas. Sama ka sakin sa school. Ipapakilala kita kay Stephan"
"O sige"
~
Nagugulat parin talaga ako pag lumalabas sya ng banyo at nakaayos. Talagang ang gwapo ni Eros. Ang swerte ni Psyche nung maging sila. Hays sana ako nalang.
Teka. Ano bang pinagsasabi ko?
May crush kana okay?
May Stephan kanang crush.
Kahit iniisip ko si Stephan sumisingit padin si Eros sa eksena eh. Pati ba naman sa imagination ko sakit ng ulo parin sya.
"Oh sino yang kasama mo?", tanong ni Stephan nang makita nya si Eros.
"Ah si Eros. Kaibigan ko. Eros sya si Stephan yung kinukwento ko sayo"
Nakipagkamay naman si Eros sa kanya.
"Kinukwento mo pala ako sa kanya"
"hehe syempre naman ikaw pa. Madami akong nakukuwento tungkol sayo eh"
"Panoorin mo kami sa practice mamaya. Isama mo narin yang kaibigan mo"
"O sige"
Naglakad naman kami ni Eros papunta sa Social Science class ko.
"Oh ano sa tingin mo?"
"Di naman sya espesyal"
Walang ganang sabi nya at nagsulat sa notebook nya. Di ko maintindihan. Parang ibang lenguahe ang sinusulat nya.
"May naramdaman akong kakaiba eh. Pag nagkakasama kami. Hindi paba sya espesyal non?"
"May nararamdaman ka nga. Pero sya meron ba?"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Eros. Hindi pa ako kinakausap ni Stephan tungkol saming dalawa. Ni hindi ko nga alam kung nililigawan nya ba ako. Kung hindi nya ko nililigawan bat nya ko bibigyan ng bulaklak? bat nya ko nililibre? Bat parang iba yung pinapakita nyang pakikitungo sakin?
May gusto nga kaya sya sakin?
O ako lang?
"Sinabi ko sayo diba. Maaaring mali ang naging pakiramdam mo. May mga bagay nang ganito ang nangyari dati. Akala nung babae sya na pero mali pala sya. Naging pagsubok lang sa kanya yung unang lalaking nagustuhan nya. Ganun talaga, gumagawa ang tadhana ng balakid bago ka makapunta sa taong itinakda para sayo"
"Sa tingin mo, gusto din ba ako ni Stephan?"
"Di ko alam Arianne. Maaaring oo maaaring hindi. Ang sakin lang, pag-isipan mo yung mga desisyong ginagawa mo. Sige ka, masasaktan kadin sa huli. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."
Nakakalito naman.
~
"Halika naaaa. Magsisimula na yung practice nila"
Hinila ko naman si Eros papunta sa bleachers. Tutok yung mga babae sa mga players kaya di na sila nakatingin kay Eros ngayon. Hinanap naman ng mata ko si Stephan. Nang makita ko sya. Kumakaway sya sa isang babae sa bleachers. Yung babae todo ngiti naman kay Stephan.
"Ayos kalang?"
"H-ha? Ah oo ayos lang"
"Hindi ako mahilig sa basketball. Uwi nalang tayo"
"Wag. Manood mun tayo ng practice"
Pansin ko parin ang panay na pagtingin ni Stephan dun sa babae.
Anong meron sa kanila?
Bakit nasasaktan ako?
Parang kumirot ng kaunti yung puso ko.
"Halika na. Umuwi na tayo"
"Akala ko ba gusto mo manood?"
"Ayoko na. Nakakabagot pala"
"Wag kana magdahilan. Alam kong nakikita mo sila. Wag kang magpanggap na kunwari ayos kalang. Tara na umuwi na tayo"
EROS' POV
Nakauwi na kami sa bahay at kanina padin wala sa mood si Arianne. Una palang alam ko na na hindi yung Stephan na yun ang lalaking itinadhana para sa kanya. Wala naman akong makitang pakiramdam sa kanya. Si Arianne lang yung pumipilit na may gusto sa kanya yung lalaking yon.
Nakaramdam ako ng kirot nang makita ko ang malungkot nyang mata. Gusto ko sya yakapin at pakalmahin.
Inaliw ko naman ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Napako naman ang tingin ko sa isang libro na may bookmark pa.
REINCARNATION OF SOULS
Binuksan ko naman ang parte na may bookmark pa. Nakasulat doon ang isang istorya tungkol sa isang lalaking namatay at muling nabuhay sa ibang katawan pagkalipas ng ilang taon.
"Bakit ka may libro na ganito?"
"San mo nakuha yan?"
"Dito lang"
"Wag mo nalang pakialaman yan. Binabasa ko lang yan pag bored ako. Hindi naman siguro totoo ang mga yan. Ikaw pa nga ang nagsabi na 'hindi lahat ng nakasulat ay totoo' diba. Kaya pwedeng hindi yan totoo"
Para namang may kung anong pumasok sa isip ko nang mabasa ko ang istorya. Yung mga napapanaginipan ko dati...na pakiramdam ko totoong totoo at nangyari na sakin. Binasa ko ang buong libro sa loob lang ng ilang oras. Maaari kayang may nakaraang buhay din ako? Ano ba ako dati?
'Kuya! Tulungan moko! Hindi ako makaalis!'
'Sandali lang. Nandito na si Kuya ha. Wag kang gagalaw'
Sumakit naman ang ulo ko at pumasok sa isip ko yung sinabi ng matandang pulubi sakin kahapon.
'Minsan kanang naging mortal...'
Posible kaya na naging mortal talaga ako sa nakaraan kong buhay?
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...