Chapter 15

23 4 0
                                    

"It is the stars, The stars above us, govern our conditions."- William Shakespeare

~x~
#15: Eros' Feelings

Ilang araw nang iniiwasan ni Arianne yung Stephan na yon. Medyo okay naman sya. Hindi na siguro sya naaapektuhan kay Stephan. Hindi naman sila bagay.

"Eros!"

"Ano?"

"Hihi wala lang"

Mas nagiging weird na din sa sya mga nagdaang araw.

"Eros!"

"Ano na naman?"

"Laro tayo"

"Wala ako sa mood"

"Sige na"

"Saka na Arianne. Diba may trabaho kapa? Bat nakahilata ka parin dyan?"

"Tss. Ang arte. Holiday ngayon noh kaya walang trabaho. Buong araw lang ako dito"

"Edi maglinis ka, maglaba, mga ganun"

"Alam mo ba, may nakita akong gwapo kanina lang"

Nagpagulong gulong naman sya sa higaan nya at sinipa sipa ang mga kumot nya.

"Sino na naman yan?"

"Sino paba? Edi ikaw"

Palihim naman akong napangiti. Napahawak din ako sa puso ko.

"Kinilig kaba?"

Pinilit ko namang wag magpahalata.

"Ba't naman ako kikiligin?"

"Namumula yung tenga mo oh. Kinikilig ka eh"

Inasar naman nya ko. Bigla namang bumalik sa ala-ala ko yung mga panahong magkasama pa kami ni Psyche. Nakakaramdam na ulit ako. Nakakaramdam na ulit ako ng pag-ibig.

~

Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Sinamahan ko lang si Arianne na ilakad yung mga aso nya.

"Hijo"

"Kayo po pala"

Sya yung lalaki nung nakaraan. Yung matandang pulubi. Tinignan naman nya si Arianne na nilalaro ang mga aso nya sa di kalayuan.

"Sya ba?"

"Opo"

"Magandang dilag"

"May pag-asa po bang magkaroon din sya nga pakiramdam sakin?"

"Hindi ako Kupido hijo. Isa lamang akong hamak na tagapayo"

"Pero sa tingin nyo po?"

"Siguro. Hindi natin alam"

"Parang gusto ko na pong itigil to"

"Anong ibig mong sabihin hijo?"

"Ayoko pong hanapin ang taong itinakda para sa kanya. Gusto ko nang itigil ang pagtulong sa kanya. Maaari nyo po ba akong tulungan?"

"Hindi ko magagawa iyan hijo. Pero sa tingin ko malapit mo syang mahanap"

"Mahanap sino?"

Tumalikod naman sya at naglakad palayo.

Pambihira. Pangalawang beses na nya akong binitin.

Malapit ko na kayang mahanap ang taong itinakda para kay Arianne? Pano na pag nahanap ko nga talaga? Papano na ako?

Eros, hindi mo pwedeng isangkot ang pakiramdam mo sa taong tinutulungan mo. Hindi ikaw ang itinadhana sa kanya. Ikaw ang scheduler.

Arianne's POV

Tinanaw ko naman si Eros na nakaupo lang sa bench sa di kalayuan. Mukhang malalim ang iniisip nya.

"Huy!"

"Ahh!", napalingon naman agad sya sakin.

"Ha! Nakabawi rin ako sa panggugulat mo!"

Hindi naman sya umimik.

"Ano bang iniisip mo?"

"Wala"

"Ang galing mo magtago noh. Ang hilig mo sa ganun. Kaya ang hirap mo basahin eh"

"Tara na nga"

"Eros"

"Ano?"

"Tignan mo"

Tinuro naman nya ang isang babaeng dumaan sa tapat na kalye malapit samin.

"Oh bakit?"

"Diba ang ganda nya?"

"Lahat naman maganda sa mata mo"

"Seryoso ang ganda nya. Tignan mo kasi sya. Titigan mo ganun."

"Bakit ba?"

"Hindi kaba nagagandahan sa kanya?"

"Mas maganda ka naman kesa dyan. Tss"

Natahimik naman sya kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay nila.

Arianne's POV

"Mas maganda ka naman kesa dyan. Tss"

Natigilan naman ako at natahimik. Tumayo sya at naglakad pabalik sa bahay pero andito parin ako nakatunganga.

Parang nakalock yung bibig ko dahil di ko mabukas. Para din akong nakaglue sa lupa dahil di ko maihakbang ang binti ko.

What just happened?

Natauhan lang ako nang makita kong wala na sa kamay ko ang tali ni Chico. Nakita ko namang syang papatawid sa kalsada kaya agad ko syang hinabol.

"Chico! Halika!"

Dahil sa paghabol muntik na akong masagasaan ng isang paparating na bisekleta. Buti at nakapagbreak agad yung driver.

"Sorry. You want any help?"

"Ayos lang ako—HULI KA!"

Agad ko namang hinila pabalik si Chico.

"Uhm sorry again"

"Ayos lang. Kasalanan ko naman. Tumawid yung aso ko"

"I'm Lucas. Bago lang kami dito.", inabot naman nya ang kamay nya.

"Reigh. Una nako. Inaantay nako sa bahay."

"o sige. Ingat", at nagbisekleta na sya paalis. Tinignan ko naman ang makulit kong aso.

"Pahamak ka talaga. Tss"

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon