"All the world's a stage, and all the men and women merely players: they have their exits and their entrances; and one man in his time plays many parts, his acts being seven ages."-William Shakespeare.
~x~
#4: His MissionKinilabutan naman ako nang biglang lumutang ang mga unan ko sa ere.
"Itigil mo yan!"
"Naniniwala kana?"
"Oo na oo na! Basta itigil mo yan!"
Ibinaba naman nya ang mga unan.
"Ano bang kailangan mo sakin?"
"Ikaw ang misyon ko"
"Pano mo naman ako naging misyon? Wala naman akong ginawang masama. Nagdadasal din ako gabi-gabi"
"Misyon ko ang hanapin ang lalaking nakatakda para sayo"
"Weh di nga?"
Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin...
Ang gwapo nya pala. Totoo pala ang sinasabi sa mga libro. Nakakabighani ang mga anghel.
"Oo nga"
"Di nga?"
"Oo ngaaa..."
"Di ngaaaa....?"
"Ganito. Isa akong scheduler. Ang trabaho ko, pagtagpuin ang dalawang taong itinakda sa isa't isa at ikaw ang pahuling taong tutulungan ko"
Tulong? Hindi ko naman hinihingi ang magkaroon ng kasintahan. Mas okay pa sakin ang tumandang dalaga kesa magkaroon ng nobyo.
"Bakit ako?"
"Dahil nakasulat iyon sa notebook ko", iniangat naman nya ang maliit na notebook na hawak-hawak nya.
"Di ko parin maintindihan"
"Hay nako. Di bale na nga. Tulungan mo nalang ako para makapagbakasyon na ako"
"Tulong? Anong tulong naman ang magagawa ko?"
"Edi tutulungan mokong hanapin ang taong nakatakda para sayo"
Ibig sabihin tutulungan ko syang hanapin ang forever ko?
"Eh okay lang naman akong mag-isa. Hindi ko naman kailangan ng katuwang sa buhay sa hinaharap"
"Hay nako kahit sabihin mo yan hindi parin matatapos ang trabaho ko. *grunts* Gusto ko na magbakasyon", humiga naman sya sa higaan ko at inunan ang mga braso nya.
"Hoy! Wag ka dyan. Kama ko yan. Wala kabang tirahan?"
"Hindi ako pababalikin ni Haring Zeus hanggat di ko natatapos ang misyon ko"
"Zeus? Eh hindi naman sila totoo eh"
"Naniniwala kabang totoo ako?"
"Oo."
"Kung ganun, totoo din si Zeus"
Hindi ko matukoy kung sarcastic ba sya o seryoso. Narinig ko naman ang yabag ng mga paa papunta sa kwarto ko.
Kainis, si Arjun.
"Papunta si Arjun. Magtago ka bilis!"
*tok* *tok*
"Ba't naman ako magtatago?"
"Hindi ka nila pwedeng makita"
"Ate ba—Mama! Si ate may tinagong lalaki sa kwarto nya!"
Napamura naman ako ng mahina dahil kay Arjun. Napakasumbungero.
"Hoi! Lagot ka sakin mamaya!", tumawa naman sya at bumelat bago tumakbo papaalis.
"Sino yon?"
"Diba sinabi ko sayong magtago ka? Tss."
Pahamak naman.
"Dito kalang wag kang aalis. Kakausapin ko si mama", lumabas naman ako at sinira ang pinto. Tamang tama naman dahil papaakyat nadin si mama kasama si Arjun.
"Ano ba tong sinasabi ng kapatid mo na may tinatago kang lalaki sa kwarto mo?", nakataas na ang isang kilay nya.
"Ah ma kas—"
Hindi nya ko pinatapos ng buksan nya ang pinto at pumasok sa loob. Pagpasok ko, wala sya. Nilibot naman ni mama ang buong kwarto. Binuksan nya pati mga cabinet pero wala sya.
"Naku kayong mga bata kayo. Kung ano ano na ang nakikita nyo. Itigil nyo na kasi yang panonood nyo ng mga horror at action movie. Masyado na kayong nadadala. Ikaw Arjun! Maghugas ka don! Inistorbo moko"
"Pero ma! May lalaki talaga sa kwarto ni Ate!"
Hindi naman sya pinansin ni mama kaya palihim ko syang inasar.
"Bleh. Ano ka ngayon*laughs*"
"Heh!", umalis naman sya ng bigo.
"Sooo..."
"Ahhh! Ano ba!", nagulat naman ako nang makita ko sya sa likod ko.
"Anong sabi ng mama mo?"
"Teka san ka nagtago? Pano ka nakatago ng ganun ka bilis?"
"Secret"
Bumalik naman sya sa paghiga sa kama ko. Ibang iba sa libro ang itsura nya. Mas maganda ang pagkakalarawan sa kanya sa libro kesa sa personal.
"Tapos kana tumitig?"
Natauhan naman ako at iniwas agad ang tingin sa kanya.
"Dito kaba matutulog?", tanong ko.
"Oo. Wala naman akong magagawa"
Wow. Parang nakakaoffend yon ha. Ano sya? Napilitan lang na makituloy samin? Eh sya na nga tong nangangailangan ng matitirhan. Binabawi ko na yung mga positive na sinabi ko sa kanya kanina. Pangit ang ugali nya.
Naturn off na ako.
"Sa sahig ka matulog. Ako dyan sa kama"
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...