"Be not too tame neither, but let your own discretion be your tutor, suit the action to the word, the word to the action."-William Shakespeare
~x~
#10: HORROR BOOTH
(A Day in Life pt. 2)Sumiksik ako sa mga nagkukumpulang mga babae. Ano bang nangyayari?
'Artista ba sya?'
'Ang pogi nya!'
'Sinabi mo pa! Magpapapicture talaga ako sa kanya'
"Tekaaa! Padaan!", tinulak ko naman lahat ng babaeng madidikit sakin hanggang sa makarating ako sa kinatatayuan ni Eros.
"Ano bang ginawa mo?!", inis na tanong ko.
"Di ko alam. Sila lang yung biglang lumapit sakin", kinuha ko naman yung cart at hinila sya. Sinagasaan ko sila gamit ang push cart! Ang kukulit eh. Natigil lang ang pagsunod nila nang makarating kami sa counter.
"Sana pala di na kita sinama. Sakit sa ulo lang ang ibibigay mo sakin", inis na sabi ko.
"Hindi ko naman kasalanan na gusto nila magpakuha ng litrato kasama ako noh"
Inirapan ko sya at kinuha ang dalawang plastic ng mga grocery.
"Ako na", akmang kukunin nya ang dala ko pero nagsimula na akong maglakad. Ramdam ko naman na sumunod sya kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Para namang diamond na kuminang ang mga mata ko nang makakita ako ng horror booth.
"Maghorror booth tayo!"
"Boring naman ya—"
Hindi na sya nakapagsalita nang hilahin ko sya papunta sa courtesy booth para iwan ang mga grocery at bumalik na sa booth.
"Ticket para sa dalawa. Magkano ba"
Nakatingin naman yung babae kay Eros kaya di ako napansin.
"Excuse me. Magkano yung ticket?"
"A-ah 50. Kasama mo ba sya?"
"Oo. Bakit?"
"Ah wala po. Ito na po yung ticket, proceed nalang po kayo sa may pintuan"
Hinila ko naman sa pulsuhan si Eros at pumasok na sa loob. Bumungad naman samin ang malamig na hangin at mga usok-effect. Hinigpitan ko naman ang hawak kay Eros.
"Natatakot kaba?"
"H-ha? Hindi no!"
Natatakot talaga ako. Dagdag pa yung creepy na tunog at mga weird na bagay na nadadaanan namin.
*hissss*
"Ahh! Ano yon?!"
"*chuckles* relax. Sound effects lang yon"
"Bakit parang di ka natatakot?"
"Mas nakakatakot pa yung mga nakasalamuha ko dun sa mundo namin noh. Nakapunta na ko sa kaharian ni Hades kaya masasabi ko na walang binatbat itong mga pekeng props nila"
Sya naman ang humawak sa pulsuhan ko ngayon. Nagsimula na kaming maghanap ng pintuan palabas. Ang creepy ng mga pekeng zombie! Kahit alam kong hindi sila totoo natatakot parin ako.
Ganun ako kaduwag.
"Ahh! Manyakis!", napahiyaw naman ako nang hawakan ng isang zombie ang pwet ko. Tinulak naman sya ni Eros at mas binilisan pa namin ang paglalakad.
"Dumikit kalang sakin"
Pambihira. Sana pala di na kami pumasok dito in the first place. Akala ko, mas matatakutin pa si Eros sakin. Ako lang pala tong nagmumukhang tanga ngayon. Instant regrets. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
"Eros!"
"Bakit?"
"May gagamba!"
"Ano kaba. Hindi naman yan totoo"
"Eh mukhang totoo eh!"
"Arianne, tignan moko"
"Ano?"
"Ang unang hakbang sa pagiging matapang ay ang umasta kang matapang"
"Pano ko naman gagawin yan?"
"Isipin mo na matapang ka. Na wala kang kinatatakutan. Then after, let your body do the work. Hindi kana magrereact sa mga bagay na kinatatakutan mo"
"Talaga?"
"Yep. Alam mo bang ang tao noon may apat na kamay at apat na paa? Dalawa din ang ulo nila. Mukha din tayong mga gagamba non. Naging sumpa ito na pinaghihirapan natin ng mahabang panahon pero ginawan yon ng paraan ni Haring Zeus. Pinaghiwalay nya ang iisang katawan kaya nabuhay tayo ng may dalawang paa, kamay at isang ulo. At ang kalahati ng pagkatao mo, nasa ibang bahagi ng mundo o pwede din malapit. Kaya nga tinutulungan ko kayong hanapin ang mga taong kalahati ng pagkatao nyo. Yung soulmate nyo"
"Totoo? San mo naman nalaman yang mga yan?"
"Duh. Ako ang scheduler. Alam ko ang mga ganung bagay. Halika na. Maghahanap pa tayo ng labasan dito"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Eros. Totoo ba yon? Ganun ba ang history ng soulmates ayon sa mitolohiya? Waw. Ang weird naman, mukha palang mga gagamba ang mga tao noon.
~
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas na kami sa booth. Para akong nabunutan ng tinik.
"Oh"
Inabotan naman ako ng Eros ng panyo. Napahawak naman ako sa noo ko. Pawis na pawis na pala ako. Shems.
"salamat"
"Kunin ko lang yung grocery. Antayin moko", paalam nya.
May nareceive na naman akong lesson mula sa dakilang Eros Szamiel Verjil Del Laxsamana. Ang weird naman. Ang haba haba ng pangalan nya tapos sa mga libro Eros or Cupid lang. Wew.
"Tara na"
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...