Chapter 12

25 4 0
                                    

"False face must hide what the false heart doth know."- William Shakespeare

~x~
#12: EROS IS JEALOUS

Panay padin ang pagkukwento nya tungkol dun sa lalaking yon. Ilang araw na silang nagkakasama. Hindi ko naman sya masamahan dahil ayaw nya daw na madistract yung mga babae sa room nya.

Tss. Gusto nya lang mapag-isa eh para walang sagabal sa kanila nung Stephan.

"Oh kuya? Bat nakalukot yang mukha mo?"

"Yung ate mo kasi eh"

"Bakit? Anong meron kay Ate?"

Teka. Bat ba ako nagrereact? Hindi dapat ako nagrereact ng ganito.

"ah wala. Basta"

Eros! Ikaw ang scheduler! Dapat tinutulungan mo sya sa lalaking yon dahil baka yun na ang lalaking itinadhana para sa kanya!

Eros! Hindi! Hindi mo sya pwedeng tulungan. Dapat kilalanin mo muna ang lalaking yon. May karapatan kang magdesisyon para sa kanya dahil ikaw ang scheduler. Dapat hindi lang itinadhana para sa kanya ang hinahanap mo. Dapat yung lalaking karapat dapat din.

Parang anghel at demonyo na nagsasagutan ang utak ko.

Pareho silang may punto. Kailangan ko silang tulungan at kailangan ko din alamin kung karapat dapat ba yung lalaking yon para sa kanya.

Umuwi naman si Arianne na may dala dalang bulaklak. Malapad din ang ngiti nya sa labi.

"San galing yan?"

"Kay Stephan. Alam mo, sa tingin ko talaga sya na yung lalaking nakatadhana para sakin"

Para naman akong nakaramdam ng kaunting inis dahil sa sinabi nya.

"Arianne. Hindi sa lahat ng panahon eh tatawa at ngingiti ka"

"Teka, pansin ko lang. Habang nagkukwento ako tungkol kay Stephan lagi kang may sinasabing di maganda. May problema ba?"

"Ako ang scheduler Arianne...at ikaw ang panghuling misyon ko. Hindi lang pagtatagpo ng dalawang itinakda ang trabaho ko. Dapat karapat dapat sila sa isa't isa bago maging sila talaga"

"Wala naman akong nakikitang problema kay Stephan ah? Tsaka pakiramdam ko karapat dapat kami sa isa't isa"

"Tinutulungan lang kita"

"Nakapagdesisyon na ako. Gusto kong sya ang maging soulmate ko"

"Hindi pwede! Hanggat di ko sinasabi!", nagulat naman sya nang tumaas ang tono ng boses ko.

"Ano bang problema mo Eros?"

"Hindi mo sya basta basta magiging soulmate! Ni hindi ko nga sya kilala! Ako ang scheduler, ako ang magdidikta sa taong itatakda para sayo!"

"Hindi moko madidiktahan!", padabog naman syang humiga sa kama nya at nagtakip ng kumot.

Bwiset.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang masigawan ka"

"Umalis ka!"

"Arianne naman..."

"Umalis ka!"

Lumabas naman ako ng bahay at nagpahangin sa malawak na parke sa subdivision nila.

"Eros", lumapit naman sakin ang isang matandang pulubi.

"Sino po kayo? Bakit nyo po ako kilala?"

"Eros... Ang tagapagtakda ng mga taong pinaglayo ng tadhana ni Zeus... Ako ay isa sa mga sugo ng Mahal na hari. Nais nya lamang na kamustahin ang iyong kalagayan"

"Sa totoo lang po, hindi ayos"

"Bakit naman?"

"Yung panghuling taong tutulungan ko, may gusto syang lalaki na hindi ko naman nakilala at nasuri. Hindi ko sya pwedeng itakda kay Arianne"

"Mabuti iyan. Ginagawa mo lang naman ang iyong trabaho"

"Yun nga po eh. Ginagawa ko lang yung trabaho ko pero nagalit na sya sakin. Ang bigat sa pakiramdam nung narinig ko syang humikbi. Sinubukan ko sya ng kausapin pero hindi nya ko pinapansin"

"Umiibig kana ba hijo?"

"Po? Hindi po ako umiibig!"

"Naku. Tinatanggi ng iyong isip pero inaamin ng iyong puso"

Napahawak naman ako sa puso ko na parang abnormal ang pagtibok.

"Pano nyo po nasabi?"

"Matanda na ako hijo. Marami na akong pinagdaanan. Isa lang din ang pag-ibig don"

"Talaga po?"

"Oo. Sa mata ko, sya lang ang pinakamagandang dilag na nakita ko. Nakaramdam ako ng mga kakaibang bagay na hindi ko pa naramdaman noon"

"Sa tingin nyo po ba tama ito? Ang magkaroon ako ng pakiramdam sa isang mortal? Ang akala ko po hindi na ulit ako maaaring umibig sa mortal?"

"Nung panahong nabubuhay pa ang prinsesa Psyche inibig mo sya kahit mortal sya. Tinawid ninyo ang delikadong pader sa pagitan ng mga dyos at mortal. Nagmahalan kayo kahit bawal. Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo, nasa iyo parin ang desisyon hijo... Basta ito ang tandaan mo, minsan ka nang naging mortal."

"Ano pong ibig nyo sabihin?"

Naglaho naman sya na parang bula.

Minsan na akong naging mortal?

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon