Eros' POV
Nagising ako dahil sa ingay ng mga trumpeta. Agad akomg bumangon nang mapagtanto kong nasa kaharian ako.
Arianne...
"Anong problema?"
"Hindi pwede Arianne..."
"Bakit hindi?"
"Ako ang scheduler Arianne, hindi ako pwedeng umibig sa taong tinutulungan ko"
"Hindi ba non mababago ng nararamdaman ko sayo?"
"Hindi ko alam..."
"Eros..."
"Gusto din kita Arianne.... Alam kong bawal pero wala akong pakialam"
Ibig sabihin.... Natapos na nga ang misyon ko—pero paano si Arianne?
"Maligayang pagbabalik Eros! Binabati kita sa iyong matagumpay na misyon!", puri ng haring Zeus.
"Anong mangyayari kay Arianne?", tanong ko.
Kung ako ang lalaking itinadhana para sa kanya. Ibig sabihin, makakasama ko sya—
"Wag kang mag-alala. Ayos lang sya"
"Hindi! Iniwan ko syang umiiyak habang nagmamakaawang manatili ako!"
"Eros. Ikaw ang scheduler—"
"At ako din ang lalaking itinadhana para sa kanya!"
Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Bakit ko ba kinailangan umalis...
Abot kamay ko na sana sya... Pero sa isang iglap nawala nalang bigla. Ang bigat sa pakiramdam. Masakit nga ang umibig, di ko na hahayaang mangyari ulit ang ganitong hinaing.
Isang pamilyar na mukha ang pumasok sa pintuan.
"Eros anak! Nakabalik kana!", sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap. Pero hindi nun mapawi ang masakit at mapait na naramdaman ko sa pagkawalay kay Arianne... Ang pumuna ng pangungulila ko sa yumaong asawa..."Bakit ka malungkot? Hindi kaba masayang nakabalik kana sa palasyo? Makakapagbakasyon kana!"
"Gusto kong makita si Arianne... Kahit sa huling pagkakataon man lang..."
"Pagbibigyan ko ang iyong kahilingan", sabi ni Haring Zeus. "Ipikit mo ang iyong mga mata at makikita mo sya sa pagdilat"
Sinunod ko ang sinabi nya. Pumikit ako at pagdilat ko bumalik ako dun sa pwesto kung saan din ako umalis. Nakita ko syang umiiyak sa harap ko.
"Arianne...", tawag ko.
Hindi sya kumibo at patuloy lang sa pag-iyak. Di nya ba ko nakikita? Invisible ba ako dito? Kumaway ako sa harap nya pero di nya parin napansin.
"I love you....", bulong ko malapit sa tenga nya.
"I love you Eros... You should've stayed... for me"
Niyakap ko sya kahit di nya ko nakikita o nararamdaman.
Tama ka... I should've stayed.
Pagdilat ko ng mata ko nasa ibang lugar na naman ako. Nasa likod ako ng puno sa harap ng bahay nila Arianne.
"Reighlexis!"
"Hi babe!", tumakbo sya para yakapin yung lalaki. Parang dinurog ng libong beses yung puso ko nang makita ko ang masaya nyang mukha.
Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kung saan. Wala na akong pake kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang gusto ko lang ay makalayo ako sa lugar nato. Malayo sa sakit. Malayo kay Arianne. Habang tumatakbo ako unti unti namang nag-iba ang itsura ng paligid.
Nataranta naman ako nang magtakbuhan ang mga tao.
"May mass shooting na nagaganap!"
"Takbo na kayo! Bilisan nyo!"
"TAKBO DALI!"
Para akong multo na dinadaanan lang ng mga tao. Di nila ako nakikita. Nakita ko naman ang isang pamilyar na mukha. Nagtatago sya sa likod ng trashbin habang nagtatakip ng ulo.
Sya nga... Arianne...
Tumakbo sya at ginawang panangga ang sarili sa isang batang may dala dalang aso.
*bang!*
Pagkatapos ng mass shooting nakita ko syang binuhat at sinakay sa stretcher. Napayukom ako ng kamao habang tinitignan ang nanghihinang katawan ni Arianne... Nagagalit ako dahil wala akong nagawa para protektahan sya.
Napakurap ako at pagdilat ng mata ko, nasa palasyo na ulit ako. Parang nakita ko ang isang buong taon ng buhay ni Arianne sa loob lang ng ilang minuto.
"P-patay na si Arianne?"
"Oo at hindi"
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Oo patay na sya. Pero buhay pa ang espiritu nya dahil mabubuhay sya sa ibang katauhan na kung tawagin natin ay 'second life'"
"Mabubuhay ulit sya? Pano ko sya makakasama—"
"Wag kang magmadali Eros. Gusto mo ba talagang makasama sya?"
"Opo! Kahit ano gagawin ko!"
"Handa kabang isuko ang pagiging dyos mo?"
"Eros anak...", naramdaman ko ang mahinang haplos ng mama ko.
"Ma... Gusto ko po sya makasama..."
"Nirerespeto ko ang desisyon mo...pero mamimiss ka namin..."
Nginitian ko sya at niyakap. "Wag kayong mag-alala kayo parin ang ina ko kahit mabuhay man ako at ipanganak ulit sa ibang tyan"
"Mag-iingat ka anak"
"Handa na po ako! Isusuko ko ang pagiging dyos ng pag-ibig, makasama ko lang ang babaeng minamahal ko"
"Maliwanag. Ikaw ay gagawin kong mortal. Mabubuhay ka bilang mortal sa susunod mong buhay. Wala kang magiging alaala sa iyong pagiging dyos. Handa ka bang kalimutan ang lahat ng iyong alaala para mabuhay muli sa ibang katauhan?"
"Opo!"
"Kung ganun. Sa ngalan ng kapangyarihang pinagkaloob sakin. Ikaw ngayon ay mabubuhay muli sa ibang katauhan. Walang alaala sa nakaraan. Ipapanganak kang mortal at mamatay kang mortal"
*thud*
~x~
Tumakbo ako papunta sa library nang mapagtanto kong may assignment pa pala akong kailangan gawin. Lagot ako sa subject teacher namin.
"Bata! Muntik mo na masira yung pinto ng library!", sermon ng librarian.
"Pasensya na po Ms. Matte nagmamadali po kasi eh"
"Che!"
Di ko na pinansin ang pagtataray nya dahil pumunta agad ako sa english section ng mga libro. Kailangan kong magbasa tungkol sa Norse at Greek myth. Habang tinitinignan ko ang mga libro. Napansin ko naman ang babaeng nasa tapat ko lang. Nagbabasa sya obviously at parang seryosong seryoso.
"Staring is rude", biglang sabi nya kaya nagulat ako at napaiwas agad ng tingin. "I know what you want. Tch. I'm Alexis! And yeah, I'm single. Am I free this weekend? Nah. Sure! We can hang out sometime. Here's my number", inabot nya ang isang maliit na papel. Inilusot nya yung kamay nya sa shelf para maabot yun.
Parang confident na confident pa sya sa mga sinasabi nya.
Alexis?
San ko nga ba narinig yon.
"I'm Samuel"
"Nice name"
We meet again...
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...