IKA-UNANG YUGTO

187 45 10
                                    

Chapter 1: Atin Cu Pung Singsing


Alexis Punto de Bista



Pauwi na ako ng school bitbit ang mga ngiti sa labi dahil first honor ako ngayong second grading sa klase sa tulong ni Alexa.


Since bukas ay saturday at holiday sa november 1&2 dahil araw ng mga santo at patay. May tatlong araw ako para makipaglaro kay Alexa-imaginary friend ko.


Isang buwan na din ng maka-lipas mula nung nakilala ko si Alexa. Akala ko nga nakikita sila ni Mom and Dad pero hindi daw. Baka daw namamalik-mata lang daw ako.


Noong una natatakot ako kay Alexa kasi iniisip ko kung siya ba ay biyaya o sumpa. Pero dahil sa isang buwan ppko siyang naka-sama naramdaman ko naman na prino-protektahan niya ako. Napag-tanto ko na biyaya siya mula sa langit dahil simula ng dumating siya sa buhay ko ay sinwerte ako.



Una... kapag recitation, quiz, at activities sa school, lagi ako ang Nakaka-sagot at highest sa tulong ni Alexa naging top 1 ako sa klase.



Pangalawa... hindi ko na iniisip na mag-isa ako dahil lagi siyang nasa tabi ko.



Pangatlo... Dati maraming nam-bubully sa akin ng dahil kay Alexa, konti nalang ang naglalakas loob na awayin ako.


At marami pang-iba...


Minsan ko na din siyang pinakilala kay Sally pero hindi niya daw ito nakikita.


Inaasar pa niya nga ako na 'BALIW'


Si Sally ay naka-babatang kapatid ko. She's 13 years'old-Grade 6 and I'm 15 years'old-Grade 8. Dalawa lang kaming magkapatid dahil natakot na si mommy mag-buntis uli dahil mahina na ang mattress niya at kapag nag-buntis pa siya maaari na niyang ikamatay. Kahit na ako ang panganay ay lagi akong kinakawawa at sinasaktan ni Sally, hindi ko siya magawang saktan dahil kahit siya ang may kasalanan siya pa din ang pinapaboran nila Mommy at Daddy, tapos lagi nila akong kinukulong sa kwarto ko at hindi nila ako pinapakain.


Si Sally ang pinaka-hayop na kalaban ko dito dahil kaya niyang paikutin sila Mom and Dad sa palad niya dahil kaya nitong mag-balat kayo na mabait kapag kaharap ang mga magulang namin at ako ang pag-mumukhaing masama.




*



Pagbaba ko ng school bus ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto nila Mommy at Daddy pero wala sila dun. Papunta na sana ako sa kwarto ko para mag-bihis ng makita ko si Aling Esther-Mayor Doma ng bahay namin.


"Aling Esther, nasan po sila Mom and Dad?" Tanong ko sa kanya.


"Ah... Ma'am Alexis hindi pa daw sila uuwi. May aasikasuhin pa daw silang trabaho. Baka mamayang madaling araw pa sila uuwi." seryosong sagot niya. "Bakit ma'am, nagugutom po ba kayo? Ipagluluto ko kayo gusto niyo?" Dagdag nito.


"Ah, hindi na po Aling Esther. Naka-kain na din po ako sa school kanina." pag-sisinungaling ko at tumungo na sa kwarto.


Gutom ako pero nawalan na naman ako ng gana dahil gusto ko ipag-malaki ang nakamit kong honor sa school pero wala sila... Hays.


Lagi nalang wala sila Mommy at Daddy dahil napaka-workaholic nila. Araw araw nga silang umuuwi pero hindi ko din madalas nakikita dahil kapag gigising ako sa umaga ay paalis na sila at kapag uuwi naman ako galing school ay kung hindi nasa trabaho ay tulog na sila.


Bago ako maka-punta sa kwarto ay nakita ko si Sally na paakyat na ng hagdanan habang nakangiti sa akin. Hindi ngiting masaya na makita ako kun'di mapaklang ngiti na tila pinandidirihang makita ako.


Nang makapasok na ako sa kwarto ay bumungad sa akin si Alexa- Imaginary Friend, nakangiti at masayang naka-uwi na ako.


"Hi Alexa, Kamusta? Bukas nalang tayo mag-laro ng hide and seek, antok na antok na kasi ako eh." sabi ko kay Alexa at nahiga na sa kama.


"Sige Alexis, mag-pahinga ka na babantayan kita." sabi ni Alexa at hinimas himas ang buhok ko. "Kakantahan nalang kita ng paborito kong kanta." dagdag niya pa at nginitian ko siya.



~'Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng metung a kaban
Mewala ya iti eku amalayan

Ing sukdal ning lub ku
Susukdaul qng banua
Mengurus kung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manakit
Qng singing kung mana
Kalulung pusu ku, manginu ya keka

Ikit keing singsing mung mana
Bayu je ibye keka
Ibye mepa ing mayumung mung wa!'~


Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko ng matapos ni Alexa ang kanta.


**********
Featured Song:

'Atin Cu Pung Singsing'
Kapangpangan folk song




________________________________________________________________

Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.

Thankyou!!

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon