IKALABINTATLONG YUGTO

68 23 0
                                    

Chapter 13: She's the Killer?


November 07, 2020 6:00Am


Someone's Punto de Bista


Nakatitig lang ako kay Alexis habang pinagmamasdan niya ang bangkay ni John. Nakakalungkot lang dahil parang siya ang sinisisi sa pagpatay kay John; kahit hindi naman siya.


Tumingin ako sa orasan at pasado alas-sais na, dalawang oras mahigit ang nakalipas ng walang awa kong pinatay si John dahil nakita kong muntikan na niyang pagsamantalahan si Alexis.


Nang makaaykat sa kwarto si Alexis ay binigyan ko ng isang makamatay saksak sa tagiliran si John. Nainis ako lalo ng malaman kong lasing na lasing ito. Hindi man lang niya iniisip ang binahayad sa kanya.


Tulad ng mga naunang biktima ko kinukuha ko ang mga kaliwang mata nila tanda ng paghihiganti ko. Labing tatlong saksak pa ang pinaulanan ko sa katawan ni John dahil nanlalaban pa ito. Ang huli at ang palatandaan na tapos na ako ay inuukitan ko ng paborito kong number ang dibdib niya.


'TRECE'


ヾ(〃^∇^)ノ


Sino kaya ang susunod?!


Nangangati na ang kamay kong pumatay uli dahil nasasarapan ako hihi.



*



Alexis Punto de Bista


Habang nakatingin sa bangkay ni Kuya John ay hindi ko parin lubos maisip ang nangyayari sa pamamahay na ito!


'Bakit kailangang may mamatay?'


"Ah Ma'am kukunin na po namin siya. Iimbistigahan namin siya at sasabihin agad sa inyo ang resulta ng imbestigasyon." nagulat akong sabi ng naka polo shirt na itim. Siguro sila na yung Soco.


Nilalagay na nila si Kuya John sa body bag at sinakay na nila sa kotse nila.


"Ah ser, natawagan ko na ang pamilya ni Mr. John at kukunin daw nila ito at sa probinsya na ibuburol. Ibinigay ko na din ang number niyo para kayo nalang ang tawagan." singit na sabi ni Aling Esther sa mga Soco.


Napatingin ako sa kanya. "Ah Aling Esther hindi parin ba umuuwi si Daddy? Paano niya po malalaman na yung driver niya ay patay na? Hindi parin po ba sumasagot ang office niya?"


"Nako, Ma'am wala paring sumasagot sa telepono ng opisina ng Daddy mo eh." sagot niya.


"Ah... Sige po."


Paakyat na ako ng makasalubong ko nanaman si Sally na hawak hawak ang tuta niya. Nagulat ako ng kung kanina ay humahagulgol siya ng iyak, ngayon ay nakatitig siya sa akin ng may mapaklang ngiting ipinakawala sa labi niya.

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon