IKAWALONG YUGTO

99 35 8
                                    

Chapter 8 : Thou shall not kill


November 04, 2020 (Wednesday) 8:00Am



Nandito na ako sa school at inaantay ang first subject namin tuwing wednesday. Maaga akong pumasok dahil wala na yung school bus pati yung driver ay binawian na din ng buhay. Hindi pa rin nagpapakita sa akin si Alexa, akala ko kahapon ay nauna na itong umuwi pero pag-uwi ko sa bahay ay wala siya doon. Hinanap ko siya kung saan saan pero wala talaga siya.


'Saan kaya nagpunta yun?!'


Nagtricycle ako papunta dito sa school. Kahapon din ay hindi pa rin umuwi si Dad sa bahay sabi ni Aling Esther.


Bigla kong narinig sila Precious at ang mga kaibigan niya na sila Margarette at baklang Denver. Napatingin ako sa pinto at nandun sila habang nagtatawanan.


Napatingin silang tatlo sa akin at biglang lumakas ang pagtawa nila.



"Hi Alexis? Diba ka-group ka namin sa activity sa religion? Tara at pag-usapan na natin hanggat wala pa si Ser." yaya sakin ni Precious.


"Tara na kakapunta lang namin sa classroom ni Ma'am Mallari at alam na namin ang activity na gagawin..." mabilis na yaya ni Margarette. "Ambagal...baliw kasi." bulong pa nito pero rinig ko naman.


'Tsss...'


Sila nalang ang kusang lumapit sa akin at inusog ang mga upuan at inayos ng pabilog at tsaka sila umupo. May isa pang blangkong upuan silang inalagay.


"Ikalimang Utos ng Diyos 'Huwag kang papatay' ang napunta sa atin. I-aact daw natin yon at ivivideo. Ilalagay daw sa flashdrive ang video at ipapasa kay Ma'am bukas." paliwanag ni Precious.


"Ahh.. Lima tayo sa grupo at si Denver ang magiging Director para maayos." sabi ni Margarette. " Ayan na pala si Aiza." dagdag nito at napalingon ako kami sa pinto.


"Tara Aiza dito ka umupo, pinag-uusapan na namin ang activity natin." yaya ni Denver at umupo si Aiza sa blankong upuan.


Napag-usapan na namin ang mga gagawin ng biglang dumating si Ser Raul—Teacher namin sa Filipino.


Lecture.


Lecture.


Lecture.

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon