IKALABING-ISANG YUGTO

69 26 2
                                    

Chapter 11: Who's Ma'am Vergara?


"Ms. Navarro, mukhang puyat ka siguro naglakwatsa ka kagabi." seryosong sabi ni Ma'am.
"Hindi po Ma'am." mahinang sabi ko.


"Okay move on the topic."


Discuss.

Discuss.

Quiz.

Dismiss.



Pagkatapos ng klase niya ay nagmadali kaming pumunta sa next subject, kay Ma'am Vergara para itanong kung paano niya nahulaan na may tatlo kaming kaklaseng namatay.


Nagsi-upo na kami sa upuan namin kahit wala pang teacher. Nagmamadali kaming makita si Ma'am Vergara.


'Totoo kaya lahat ng hula niya?'


'O inookray niya lang kami?'


Biglang may pumasok na teacher at lumakas ang ingay sa apat na sulok ng classroom.


'Si Ma'am Endrinal'


"Akala ko ba may inaasikaso yang si Ma'am?"

"Diba si Ma'am Vergara parin ang teacher natin ngayon?"

"Ang angas pa naman ni Ma'am Vergara."

"The Great Predictionary Teacher HAHAHAHAHA."


'walang ganung word ngeks.'


Andami ko pang naririnig pero hindi ko na pinansin pa.


"Quiet class!!" sigaw ni Ma'am Endrinal. Nang nagsitahimik na ang mga kaklase ko ay bigla siyang nagsalita. " Pasensya na dahil wala ako kahapon,  nag-meeting kaming mga master teacher." dagdag niya.


"Ah, Ma'am akala ko po ba sa monday pa kayo papasok? Nasaan po si Ma'am Vergara?" lakas loob na tanong ni bida bidang Divine.


"Anong sa Monday?! Sinong nagsabi niyan ha?! At sino yang Ma'am Vergara nayan na sinasabi niyo!" sigaw ni Ma'am.


"Ma'am, siya po yung teacher namin kahapon ng wala kayo. Ang sabi niya siya daw po ang magtuturo sa amin hanggang ngayon." sabi naman ni Anne—Vice president ng klase namin.


"Ma'am Vergara?!!! Sa tinagal tagal kong naging guro dito ni isang teacher na apelyidong Vergara ay wala akong kilala!!" nang-gagalaiting sigaw ni Ma'am.


"Eh Ma'am hinulaan pa nga kami kahap---"


"Kahit halughugin niyo ang buong school na'to ni isang teacher wala kayong makikitang Vergara!!!"


[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon