IKATLONG YUGTO

121 41 6
                                    

Chapter 3: One Down


6:00PM


Nandito ako sa kwarto at inaalala ang malamig na bangkay ni Mommy.


Napaka-brutal ng pag-kakapatay kay Mommy.


May nakatusok sa kanang mata nito ang tinidor, wala na ang kaliwang mata nito. Nasa bunganga naman nito ang medal na inihampas niya sa ulo ko kaninang umaga. May mga saksak din ito sa katawan. Tila hindi pinatawad at walang awang pinatay si Mommy. At ang kinagulat ko kung bakit parang may naka-ukit sa noo nito.


13?! Bakit?!


Humingi ako ng tulong at nag-sisigaw para makuha ang atensyon ng mga tao sa bahay. Agad may pumuntang tatlong yaya kasama si Aling Esther at si John ang driver ni Dad.


Nakita ko din si Sally na naka-ngiti lang na naka-titig sa akin. Napansin ko na may sugat siya sa braso at sariwa pa ito.


Nabaling din ang mga mata ko sa pinto sa labas ng may pumasok na lalaki na hingal na hingal, si Dad.


Malakas akong tinulak nito at parang papel lang na lumipad sa pader na bato at tumama ang ulo ko.


Kinapa ko ang ulo ko at nahawakan kong may malagkit na likido na lumalabas. Dahil sa dugo na sobrang bilis na tumutulo sa sahig ay unti-unti ng nanlabo ang paningin ko.


"IKAW ANG MAY KASALANAN NITO!!! PESTE KANG BATA KA PAPATAYIN KITA!!!!" huling salita na narinig ko na sinabi ni Dad at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.




*


Pag-gising ko kaninang alas singko(5) ay nakita kong nakatitig lang sa akin ni Alexa na tila binabantayan ako. Nakita ko din si Ate Jessica—yaya namin, na binabalutan ng benda ang nabagok kong ulo.


Agad din itong lumabas at bakas ang takot sa mukha niya ng makita akong nagising.


"Nasan si Mommy? Kamusta siya?" tanong ko kay Alexa dahil naalala ko lang yung tinulak ako ni Dad sa pader at unti-unti akong nawalan ng malay.


"Wala na ang Mommy mo, dinala siya sa morgue ng Daddy mo at ibuburol daw doon sa baba bukas." seryosong sagot nito.


"Eh si Sally? Nasaan siya? Delikado si Dad sa kanya! Siya ang pumatay kay Mommy." aligagang tanong ko.


"Kasama ng Daddy mo pumunta sa morgue. Sinaktan mo daw siya. Ikaw ang sinisisi ng Dad mo sa pagkamatay ng Mommy mo." seryoso uli nitong sagot.


Wala na akong ibang magawa kundi ang humagulgol ng iyak.


Napatigil ako sa pag-iyak ng may malakas na katok sa pinto.


"Daddy mo." ani Alexa.


Narinig ko ang malakas na sipa nito at biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Dad.


Nilingon ko si Alexa pero wala na ito sa kinauupuan niya kanina.


'Nasaan na yun?!'


"Baket? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko pero lalong tumalas ang patingin niya sa akin.


Tingin na tila papatay ng taong nasa harap niya.


'Dad?'


"Daddy? Daddy Alexander?"


Unti unti na siyang lumapit at may hawak na lubid at baseball bat.


"Dad huminahon po kayo." pag-mamakaawa ko.


Tila hindi siya natitinag sa pag-mamakaawa ko at ilang hakbang nalang ay lalapit na sa akin.


Unang hakbang...


"Bakit mo pinatay ang mommy mo?!!"


Pangalawang hakbang...


"BAKIT MO NAGAWA YUN SA MAMA MO?!!"


Tatlong hakbang...


"WALA KANG AWA!!!"


Apat na hakbang...


"NAPAKADEMONYO MONG BATA KA!!!"


Isang hakbang nalang tiyak ay nasa harapan na niya ako. Nanginginig ang buong katawan ko.


Limang hakbang...


Hinatak niya ang mga paa ko at itinali sa lubid na dala niya at binitin patiwarik sa kisame.


"Papatayin kita!!! Hayop ka!" sigaw niya.


Marahan niyang hinawakan ang baseball bat at inamba na ihahampas sa ulo ko.


Nang dahan dahan ng ihahampas sa ulo ko ay pumikit nalang ako.


'Ito na ang katapusan ko!'




________________________________________________________________

Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.

Thankyou!!

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon