Chapter 5 : Number Thirthteen
November 01, 2020 (Sunday)
Alexis Punto de Bista
"Mo-mmy." napatingin sa akin lahat ng taong nakikiramay.
Tinging galit na galit.
Tinging kinasusuklaman ako.
Tingin na sinisisi nila ako sa pag-kamatay ni Mommy.
Unti-untin akong lumapit sa kabuuan ni Mommy at narinig ko na ang malakas na bulong bulungan ng mga tao sa paligid ko.
"Nakakatakot naman siya."
"Sarili niyang ina pinatay niya."
"Kung ako ang ama niyan itatakwil ko na yan."
"Oo nga."
Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil napatingin ako kay Dad na nakatitig parin sa kabaong. Nakatalikod ito sa akin pero ramdam ko na umiiyak ito.
Pag-silip ko sa salamin ng kabaong ay napakaganda niya at tila mahimbing lang na natutulog. Pero biglang may pumukaw sa mata ko, kahit makapal na ang make-up nito ay hindi pa rin natakpan at halata pa rin ang sugat na nakaukit sa noo nito.
Isang numero...
Number 13?!...
Nagulat ako ng bigla akong hinatak ni Daddy at tinulak ako, tumalsik ako sa mga nag-lalamay.
"Yaya!!!!" sigaw ni Dad at agad namang lumapit si Ate Jessica. "I-lock mo siya sa kwarto niya at huwag na huwag papalabasin at pakakainin hanggat hindi pa na-ki-crimate ang mommy niya."
Lumapit sa akin si Ate Jessica at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Kinaladkad niya ako paakyat sa hagdanan.
Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay effortless niya akong binubat at inihagis ng pagka-lakas lakas. Tumama ang likod ko sa lamp shade na nakapatong sa table na katabi ng kama ko.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko na tila nabali yata sa pag-kakatama sa ilaw.
Bigla nanaman akong nakaramdam ng pag-kahilo at unti-unting lumabo ang paningin ko pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa si Sally na naka-ngising nakatingin sa akin.
*
Someone's Punto de Bista
Nakatitig lang ako kay Alexis na unti-unting nawawalan ng malay.
Naka-ngisi ako sa kanya dahil naaalala ko kung paano ko pinatay ang pusa ni Alexander kagabi pagkatapos kong patayin si Liza.
Walang awa ko itong pinag-papalo ng baseball bat sa ulo hanggang lumabas ang bungo nito.
Lalo pa akong nasiyahan ng binalatan ko ang katawan ng walang ka-muwang muwang na pusa. Nang matapos kong balatan ito ay tumambad sa akin ang lasog lasog na lamang loob at buto nito. Ansarap ding paglaruan ang maliliit na lamang loob nito habang ipinapaligo sa kawawang pusa ang sarili nitong dugo.
Ugh...
Ansarap pagmasdan ang brutal na pag-kamatay ng pusa ni Alexander.
Pag-katapos kong patayin ang pusa ay nilagay ko ito sa kotse ni Alexander, pero bago yun inukitan ko ang munting bungo nito ng paborito kong numero.
Trece!!!
Agad akong nag-hugas ng kamay at nag-palit ng damit upang hindi ako pag-hinalaan. Bumalik na ako sa kwarto para matulog. Masarap matulog ng pagod dahil sa kakatapos lang pumatay HAHAHAHAHAHAHA.
Dahil masarap pumatay kilala ko na ang isusunod ko...
YAYA JESSICA...
________________________________________________________________
Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.
Thankyou!!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Trece 13
HorrorHorror • Mystery • Paranormal • Thiller Book 1 Palaging ikinukulong si Alexis sa kanyang kwarto. Naiiwan ito lagi mag-isa kapag pinag-bibintangan siya na inaapi si Sally- nakababatang kapatid nito. Laging wala ang mga magulang niya dahil busy sa tra...