Chapter 4: Gasp
Alexander's Punto de Bista
Sobrang sakit ng makita ang asawa mo na wala ng buhay at ang sarili pa naming anak ang pumatay dito.
Hindi naman sa sinisisi ko si Alexis pero siya lang naman ang pinag-hihinalaan kong pumatay kay Liza-Asawa ko, dahil siya lang ang pinag-buhatan ng kamay ni Liza kanina bago itong makitang bangkay.
Pero hindi naman ganun si Alexis. Mabait siya at Mommy's Girl dati. Lagi ngang nilulutuan ni Liza si Alexis ng pag-kain kapag uuwi ito galing school kahit may yaya naman kami. Kaya hindi ko lubos maisip na kaya niyang patayin ang Mommy niya.
*
Nandito na ako sa bahay at mag-papahinga na sana dahil sa pagod dahil galing ako sa trabaho tapos umuwi ako para ipunta sa morgue si Liza at patulugin na si, Sally dahil baka na-trauma siya sa nangyari, nang bigla kong maalala si Alexis.
Gigil na gigil na ako sa kanya kaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na patayin siya.
Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng pwedeng makuha. Sakto namang nakita ko ang lubid at baseball bat ko na naitabi ko dito sa kwarto namin ni Liza kaya agad akong umakyat sa kwarto ni Alexis at binuksan ang pinto.
Hindi ko mabuksan kaya sinipa ko nalang at nag-tagumpay naman akong mabuksan ang pinto ng kwarto niya nakita ko siyang naka-upo sa kama niya at bakas sa mukha niya ang takot.
Wala na akong nagawa ang humakbang papalapit sa kanya.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Isang hakbang nalang ay nakita ko ang paa niya.
Lima...
Hinila ko ang paa niya at tinalian ko ng mahigpit ng lubid. Ang kabilang dulo ng lubid ay itinali ko sa taas ng kisame.Tumuntong ako sa kama niya para maabot ang kisame.
Nang maitali ko na ay mahigpit kong hinawakan ang baseball bat at nakita ko pang naka-pikit siya.
'Ihahampas ko na'
Pero pvtangina!!! Hindi ko pala kaya!
Ayokong humantong sa puntong may mapatay uli ako. Matagal ko ng pinag-sisihan ang lahat ng kasalanan ko.
Sa sobrang galit ay itinama ko ito sa pader at umalis na.
*
Alexis Punto de Bista
Narinig ko ang malakas na tunog na nag-papahiwatig na hinampas na ni Dad ang baseball bat niya. Nakapikit parin ako at pinakiramdamang sumakit ang ulo ko pero ni isang senyales ng pag-sakit ay wala akong nararamdaman.
Pag-dilat ko ay nakita palabas na si Dad ng pinto, nakalambitin padin patiwarik at naramdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko na tila dugo na unti unti ng dumadaloy sa utak ko.
*
Napabalikwas ako ng may basang bimpo na dumadampi sa noo ko. Pagkamulat ko ay nakahiga na ako sa kama at pinupunasan ako ng basang bimpo ni Ate Donna- isa sa tatlo naming yaya.
"Anong oras na?" tanong ko kay yaya.
"2:30am" takot na takot tingin nito. "Nandyan na rin pala ang mommy mo sa baba kararating lang ng funeral." dagdag niya pa at nagmamadaling lumabas.
Paglabas niya ng pinto ay ang pag-pasok ni Alexa.
"Oh Alexa saan ka galing?" tanong ko dito dahil mukhang pawis na pawis siya.
"Ah, wala nag-laro ako sa banyo at di ko namalayan na nakatulog ako." sagot nito.
"Tara samahan mo ko kay Mommy, gusto ko siya makita." ani ko.
Nahirapan akong tumayo dahil sa naka-bendang ko na nabagok sa pader kanina. Tila pako na unti-unting bumabaon sa ulo ko kapag gumagalaw ako.
Pababa palang ako ng hagdan ay natanaw ko na ang itim na kabaong ni Mommy. Sa paligid nito ay ang mga taong katrabaho ni Mommy sa call center na pinag-tatrabahuhuan niya. Lahat sila ay naghihinagpis sa pagkawala ni Mommy.
Nakita ko si Dad na nakatitig lang sa kabaong ni Mommy at hindi ko namalayang si Sally ay naka-ngising nakatigin sa akin habang karga karga si Lili na tuta niya na tila hindi nag-babago ang ekspresyon ng mukha nito.
Nang makababa na ako ay biglang nanikip ang dibdib ko, nanghina ang mga tuhod ko at parang lantang gulay na nanghina ang balikat ko. Hindi ko na napigilang humaguulgol ng iyak dahil hindi ko lubos maisip na naka-ratay na si Mommy sa kabaong.
________________________________________________________________
Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.
Thankyou!!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Trece 13
HorrorHorror • Mystery • Paranormal • Thiller Book 1 Palaging ikinukulong si Alexis sa kanyang kwarto. Naiiwan ito lagi mag-isa kapag pinag-bibintangan siya na inaapi si Sally- nakababatang kapatid nito. Laging wala ang mga magulang niya dahil busy sa tra...