IKASIYAM NA YUGTO

90 26 2
                                    

Chapter 9 : Prediction


November 05, 2020 (Thursday) 7:30Am



"Ah Ma'am Alexis, anong oras po kayo papasok?" tanong sa akin ni Aling Esther.


"Alas otso(8) po." sagot ko habang humihigop ng mainit na gatas.


Ngumiti lang siya at tinuro sa akin ang uniform ko at sinabing maligo na daw ako.


Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at nag-aantay nalang ng konti pang oras para sumakay ng tricycle.


Ayoko na maging maaga ngayon dahil first subject namin si Ma'am Mallari—religion teacher namin. Lagi nalang kasing late yun ng trenta minutos at nakakabagot mag-antay sa kanya.


Wala pa din kasi si Alexa, hindi pa din siya nagpapakita. Ewan ko kung nasaan na siya huhu. Si Daddy din ay hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi. Tinawagan na daw ni Aling Esther yung kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Daddy pero hindi daw ito sinasagot.


Naaawa tuloy ako kay Daddy dahil alam kong malungkot yun at nagdadalamhati pa rin yun. Kung sa akin nga sobrang sakit noong Mawala si Mommy, syempre mas doble pa yung sakit pag dating kay Daddy.


Tumingin ako sa wrist watch ko at it's 7:55 na kaya nagpaalam na ako kay Aling Esther na aalis na.



*


As usual mas nauna pa ako kay Ma'am Mallari.


Nakatulala ako sa blackboard ng may umupo sa tabi ko.


Si Aiza.


"Bakit wala pa yung tatlo nating kagrupo?" tanong ko sa kanya at umiling lang ito. "Kapag nauna si Ma'am sa kanila, yari tayo." dagdag ko pa.


"Baka parating na yun." mahinang sabi niya.


"Eh kase hindi naman nag-papalate yung mg---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Ma'am na pumasok na at ibinaba ang gamit niya sa table niya.


"Goodmorning class!!" Bati ni Ma'am. "Nagawa niyo ba ang activity na pinapagawa ko?" bungad na tanong nito.


"Opo!!" sagot ng lahat ng kaklase ko maliban samin ni Aiza kaya napatingin sa amin si Ma'am.


"Nasaan ang mga kagrupo niyo? At ang gawa niyo?" Seryosong tanong ni Ma'am.


"Ah... Ma'am hindi pa po kasi pumapasok sila Precious, nakay Denver po ang flashdrive." nakatungong sabi ko. "Baka po nalate lang."


[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon