IKALABINLIMANG YUGTO

73 24 6
                                    

Chapter 15: Rainy Monday


November 09, 2020 (Monday) 7:00Am



Nagising ako dahil malakas daw ang ulan sabi ni Alexa. Ala-siete(7) na at kailangan ko ng maligo dahil malalate nanaman ako sa first subject.


Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako sa kusina para mag-almusal ng madatnan ko si Sally na nilalaro ang tuta niya.


'Hindi ba siya papasok? Anong oras na oh!'


Hindi ko nalang siya pinansin at wala naman na akong pake sa kanya dahil kung siya nga ang pumapatay nnapaka-demonyo niya! Anong klaseng halimaw siya at sa edad niya ay nasisikmura na niyang pumatay ng walang awa at hindi man lang nag-iisip.


Bago tuluyang makalampas sa kanya ay natanaw ko ang labas, anlakas ng ulan makakapasok pa kaya ako nito? Lalo na at wala akong schoolbus.


Nagtungo na ako sa kusina para mag-almusal nakasunod pala sa akin si Alexa, masiglang masigla na siya ngayon kumpara kagabi na parang lantang gulay na mamamatay na.


'Gaga, patay na nga mamamatay pa, kaluluwa na nga diba self?!'


Oo nga pala patay na mamamatay pa? Antanga ko talaga.


Balik sa topic, akala ko talaga kung anong nangyari kay Alexa. Hindi ko na kakayanin kung mawawala na naman siya.



[Flashback]


"Alexa... Anong nangyayari sayo?" hagulgol ko. "Mawawala ka nanaman ba? Huhuhuhu..." gusto kong humingi ng tulong pero wala namang nakakakita kay Alexa kundi ako lang. Tatawagin nanaman nila akong baliw kung magwawala ako dito.


Nagulat ako ng hinang hina na umupo si Alexa sa kama.


"Oy Alexa, huwag mo masyadong igalaw ang katawan mo!" nag-aalalang sigaw ko sa kanya.


"H-huwag k-kang o-over a-acting A-alexis, k-kaya k-ko t-to." mahinahong sabi niya.


"Kaya!kaya! Tss... Eh hinang hina ka nga oh." tinitigan ko siya maigi at nakita kong nagdurugo ang kaliwang mata niya, hahawakan ko sana ito kaso lang ay pinigilan niya ako.


"Huwag mong hawakan dahil normal lang ang pagdurugo niyan." nakangiting sabi niya.


"Ano bang nangyari diyan at bakit wala na ang kaliwang mata mo? Diyan sa sugat mo sa leeg? At sa mga saksak mo sa katawan?" sunod-sunod na tanong ko.


"Doon sa taong pumatay sa akin." seryoso ngunit may halong galit na sabi niya.


[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon