Isusuot ko na sa ulo ko ang lubid na kinabit ko sa kisame para wakasan ang buhay ko. Hindi ko na makayanan ang hirap na dinaranas ko sa pamilya kong ito. Lagi nalang si Sally ang pinapaboran nila mom and dad.
Kapag si Sally ang mali hinahayaan lang nila pero kapag ako ang may hindi naman sinasadyang pagkakamali ay lagi nalang nila akong kinukulong dito sa kwarto.
Kaya buo na ang desisyon ko...
Since parang si Sally lang ang anak nila...
I decided to kill myself...
Hindi ko na kaya!!!
Sisipain ko na sana ang upuan na tinutungtungan ko para tuluyan ng masakal ng lubid at wakasan ang buhay ko ng may narinig akong tinig mula sa likuran ko.
"Huwag mong ituloy yan! kung wala ng nagmamahal sayo, nandito ako para protektahan ka." Pag-lingon ko sa likuran ko ay may isang babaeng parang ka-edaran ko lang ang nakabelo ng itim at naka itim na dress na luma na, wasak-wasak at duguan. May peklat siya sa leeg na tila binigti, sugat sa braso at bulag na kaliwang mata.
"Kung may mamamatay, hindi dapat ikaw!! KUN'DI SILA!!!" dagdag nito na tila diniinan pa ang dalawang huling salita.
Bumaba na'ko at naupo sa kama, tinabihan niya naman ako. Tinanong ko ang pangalan niya pero hindi niya daw alam. Kaya binigyan ko siya ng pangalan.
ALEXA....
___________________________________________________________
Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.
Thankyou!!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Trece 13
HororHorror • Mystery • Paranormal • Thiller Book 1 Palaging ikinukulong si Alexis sa kanyang kwarto. Naiiwan ito lagi mag-isa kapag pinag-bibintangan siya na inaapi si Sally- nakababatang kapatid nito. Laging wala ang mga magulang niya dahil busy sa tra...