IKALABING WALONG YUGTO

66 23 1
                                    

Chapter 18: Baseball Bat


November 10, 2020  3:00Am


Someone's Punto de Bista


Tatlong araw nalang at sabay sabay ko na kayong papatayin. Ipaghihiganti ko ang lahat ng kalapastanganang idinulot niyo sa buhay ko.


Alas tres(3) na ng madaling araw at nandito ako sa basement. Namiss ko nanaman si Estella. Magtatatlungpung taon nadin siyang wala.


'Namimiss na kita Estella!!!'


Hayaan mo at ipaghihiganti kita sa kanilaaaa!!!



🎼🎶~Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng  a kaban
Mewala ya iti eku amalayan

Ing sukdal ning lub ku
Susukdaul qng banua
Mengurus kung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manakit
Qng singing kung mana
Kalulung pusu ku, manginu ya keka

Ikit keing singsing mung mana
Bayu je ibye keka
Ibye mepa ing mayumung mung wa!~🎶🎼



*


6:00Am


Pagkatapos kong linisin ang basement ay tumungo ako sa kwarto ni Sally. Tuwang tuwa ako na effective ang lason sa utak na pinapainom ko sa kanya.


Laking tuwa ko ng makitang pinatay niya ang alaga niyang tuta hihihi.


'Hindi rin magtatagal ay tuluyan ka ng mababaliw Sally.'


At bago pa masira ang plano ko ay kailangan na din kitang itago kagaya ng papa mo!


Basang basa si Sally ng dugo at hindi ko na patatagalin pa kaya kinuha ko ang baseball bat sa basement at hinampas ito sa ulo niya.


Hindi masyadong malakas at hindi din masyadong mahina. Sapat lang na mawalan siya ng malay ng ilang araw hihiz.


'Siguro naman ay magagalak ang Daddy mo na makita ka Sally!'


Hinatak ko si Sally pababa. Nilagyan ko ng busal sa bibig at itinali ang mga paa. Hirap na hirap pa akong bitbitin siya kaya hinawakan ko nalang siya sa kaliwang kamay at pakaladkad na itinago sa ilalim ng lumang kama dito sa guest room.


Binalikan ko ang kwarto ni Sally at nilinis ang nagkalat na dugo sa bedsheet at punda niya. Nilampaso ko din ang sahig at pader ng kwarto niya na natalsikan ng mga dugo. Nang ayos na uli ang kwarto niya ay naisipan ko munang matulog.



*


4:00Pm


Nagising ako at di ko namalayan ang oras.


Hindi ko na din nakita si Alexis, siguro ay pumasok na siya.


Pumunta ako sa basement ng maamoy kong namamaho na ang bangkay ni Jessica dito. Tinabunan ko lang kasi ng mga lumang gamit dito. Kailangan ko na itong malipat at baka may makakita pa ng bangkay nito at mapurnada pa ang plano ko.


Hahatakin ko na sana papuntang cabinet ng makita ko si Donna. Hindi ko na siya hinayaang magsisigaw o magsalita man lang kaya binato ko siya ng baseball bat at sakto namang tumama ito sa noo niya kaya bigla itong natumba. Tatayo pa sana siya kaya pinagpapalo ko ng baseball bat ang ulo niya hanggang sa pumutok at nawalan na siya ng hininga.


'Tagumpay!'


Nang alam ko ng patay na ay kinuha ko ang kaliwang mata nito at pinagsasaksak.


"Sa lapad ng noo mo Donna bagay na bagay na ukitan ng paborito kong numero." nakangiti ako habang inuukitan ko ang noo niya at sinigurado ko pang patay na siya bago ko silang itinago ni Jessica sa cabinet kasama ang buhay pang si Alexander.


Nang dumating si Alexis galing school ay umasta akong parang walang nangyari.



*


November 11, 2020 (Wednesday1:30Am


Nakaramdam ako ng ingay ng malakas na sigaw ni Alexa at halatang takot na takot na tinatawag ang lahat ng tao dito sa bahay. Hinanap ko siya pero wala na siya dito sa firstfloor.


'Siguro ay nasa basement siya!!'


Dali dali akong naglakad papuntang basement habang dala dala na ang baseball bat ni Alexander.


Pababa na ako ng hagdan sa basement ng may marinig akong malakas na kumalabog.


Dali dali akong tumakbo at nakita ko si Alexis na nakatingin na sa bukas na malaking cabinet kung saan ko tinago si Jessica, Donna at Daddy niya kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras kaya malakas ko siyang hinampas ng baseball bat sa ulo kaya ito nawalan ng malay.



________________________________________________________________

Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.

Thankyou!!

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon