Chapter 6 : Stain of Blood
November 02, 2020 (Monday) 7am
Alexis Punto de Bista
Hindi pa rin ako pinapalabas ni Daddy kahit na-crimate na si Mommy. Isang araw lang binurol si Mom and then pina-crimate na.
Hindi man lang nila ako pinasilip ng matagal sa kabaong ni Mommy.
Mabuti nalang ay wala si Daddy at Sally dahil pumunta sila sa sementeryo para dalawin sila lolo at lola sa side ni Dad. Araw kasi ng mga patay ngayon. Nag-puslit si Aling Esther ng pagkain para kumain ako. Hindi daw ito alam ni Daddy dahil mahigpit nitong pinag-uutos na huwag akong pakainin hanggat hindi niya pa sinasabi na pakainin ako.
Sa lahat ng tao na nakatira sa pamamahay na ito, si Aling Esther lang pinakamalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya kapag nakaka-sama ko siya.
Bata palang ako si Aling Esther na ang nag-alaga sa akin. She knows everything about me. Dati ng baguhan palang siya dito ay umuuwi pa siya sa bahay nila pero nung nawala na ang dating mayor doma na si Aling Ising ay siya na ang ipinalit ni Mommy kaya naging stay-in siya dito.
Napag-alaman din na nag-nakaw si Aling Ising ng gamit dito sa bahay at tumakas ito kaya nawala na lang na parang bula.
Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin si Aling Ising ng mga pulis.
"Alexis tara laro tayo ng hide & seek?" pag-aaya ni Alexa.
"Pero bawal ako luma----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hatakin niya ako.
Bukas ang pinto, siguro nakalimutan ni Aling Esther i-lock.
Hatak hatak pa rin ako ni Alexa hanggang makarating dito sa basement.
Oo may basement kami, Hanggang second floor lang ang bahay namin. Sa taas ay kwarto naming tig-isa ni Sally na may sari-sariling C.R sa loob. Sa first floor ay kwarto ni Mom and Dad, Sala, Kusina at kwarto ng mga yaya. Dito naman sa basement ay bodega, tambakan ng mga lumang gamit at may isang kwarto, I guess guest room. Madilim dito sa basement kaya maganda maglaro.
Naka-amoy ako ng masangsang na amoy dito na parang may patay na daga. Madilim dahil walang ilaw dahil tambakan lang naman ito ng mga lumang gamit.
"Tara dito tayo mag-laro." nakangiting sabi ni Alexa pero bakas parin sa isang mata niya na malungkot siya. Kahit bulag ang kaliwang mata niya ay lagi niya parin akong natataya.
Si Alexa ang naging taya kaya habang nag-bibilang siya ay nag-hanap na ako ng tataguan ko.
Pagkabilang kong sampu nakatago na kana....
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Agad akong tumakbo dito sa sulok at nag-talukbong ng tela para hindi niya agad ako makita.
Apat...
Lima...
Anim...
Pito...
Kahit malayo na ang pinagtataguan ko ay rinig na rinig ko parin ang tinig niya.
Walo...
Siyam...
Sampu...
Tapos na siya magbilang ng may naramdaman akong malagkit na likido sa paanan ko. Hindi ko man ito makita alam kong kagaya ito ng natapakan ko ng makita ko si Mommy na bangkay na.
Dugo?!!!
'Oo!!! Dugo nga ito!!!'
"Alexis nasaan ka?nakikita na kita hihihi." rinig kong bungisngis na tawa ni Alexa.
"Boom!!!"
Nagulat ako ng may humawak sa likod ko.
"Alexa naman eh, ang daya mo naninilip ka ata eh!" tugon ko kahit hindi pa siya nililingon.
Unti-unti akong lumingon at nakita ko si Aling Esther na nakangiti sa akin.
"Bakit ka po nandito Ma'am Alexis? Tumawag ang Daddy mo sa telepono na pauwi na daw sila. Baka po malintikan ka kapag nakita ka niyang lumabas sa kwarto niyo. Umakyat ka na sa kwarto mo." Umakyat na ako kasunod si Aling Esther at nilock na nito ang pinto sa kwarto ko.
Napatingin ako sa talampakan ko ng makita kong may mantsang pula na natuyo dito.
Legit!!!
'Dugo nga ito!!!'
Pero kanino?!
Anlayo naman ng kusina sa basement kung umabot ang dugo ni Mommy.
Bigla namang tumagos si Alexis sa pinto.
"Bakit nawala ka? Andaya mo nandito ka na pala! Hanap ako ng hanap sayo eh." nakangising nitong sabi.
Nginitian ko nalang siya at tumingin sa mantsa ng dugo sa talampakan ko.
________________________________________________________________
Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.
Thankyou!!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Trece 13
HorrorHorror • Mystery • Paranormal • Thiller Book 1 Palaging ikinukulong si Alexis sa kanyang kwarto. Naiiwan ito lagi mag-isa kapag pinag-bibintangan siya na inaapi si Sally- nakababatang kapatid nito. Laging wala ang mga magulang niya dahil busy sa tra...