IKALABINDALAWANG YUGTO

81 23 2
                                    

Chapter 12: One Return & One Die!


November 07, 2020 (Saturday) 5:00Am


Nagulat ako ng ginising ako ni Alexa dahil may naghahanap daw sa akin sa baba.


Bumalik na si Alexa. Pag-uwi ko galing school ay sinalubong niya ako.



[Flashback]


Habang nakasakay ako sa tricycle pauwi ay iniisip ko pa din si Ma'am Vergara.


Bakit siya nag-pakita sa amin?


Anong pakay niya?


Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi dahil nagdadalawang isip ako kung totoo ba o nanlilinlang lang siya.


Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay. Pag-pasok ko ay naabutan ko si Aling Esther sa kusina kasama si Ate Donna.


"Aling Esther? umuwi na po ba si Daddy?" tanong ko sa kanya at agad naman niya akong nilingon.


"Hindi pa po Ma'am, baka busy po sa pag-tatrabaho." malumanay sa sagot niya.


Hindi ko naman na ito inisip pa dahil kumain na ako ng hapunan at agad din umakyat at tutungo sa kwarto ng madaanan ko ang kwarto ni Sally na bukas yung pinto kaya sumilip ako para tignan ang ginagawa nito.


Napaatras pa ako sa gulat ng makita kong inuuntog nito ang ulo niya sa pader at hindi pa nasiyahan ay pinagkakalmot niya ang mukha niya. Gusto kong pumasok sa kwarto niya para pigilan siya dahil ramdam ko ang sakit na ginagawa niya sa sarili niya pero nauunahan ako ng takot na baka kapag uwi ni Daddy ay baliktarin niya nanaman ang sitwasyon at ako ang idahilan niya kung bakit siya may mga galos at sugat kaya hindi ko na siya pinansin at tumuloy na sa kwarto ko.


Nasa tapat palang ako ng pintuan ng kwarto ko ay rinig na rinig ko sa loob na may tao. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makita si Alexa na nakahiga sa kama ko at napabalikwas ng makita ako, agad siyang tumayo at sinugod ako ng yakap.


"Namiss kita Alexis." sabi niya habang yakap yakap pa din ako ng mahigpit.


"Bakit ngayon kalang? Bakit ka umalis? Saan ka nag-punta? Bakit hindi ka nag-paalam?" sunod sunod na tanong ko kaya bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng masinsinan sa mata.


"May inaasikaso lang Alexis, pero pangako di na ulit ako aalis sa tabi mo." seryosong wika niya.


"Pangako mo yan ha?"


"Oo."


[End of Flashback]

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon