Chapter 14: Alexa What Happen?
November 08, 2020 (Sunday) 12:00Nn
Akala ko ay lalagnatin ako dahil sa takot na nararamdaman ko kagabi dahil kay Sally. Hindi ko alam kung siya nga ang pumapatay ay bakit niya gigawa ang pumatay ng tao?
Dapat ba siyang matakot para sa sarili niya o ako ang dapat matakot sa kung anong kaya niyang gawin?
Nagugutom na ako kaya bumaba na ako. Napansin ko agad si Sally sa sala na nanonood ng T.V, dumaan ako sa likod niya at hindi niya ako napansin dahil busy siya sa panonood. Hawak nito ang tuta niya.
'Kailangan kitang bantayan Sally dahil kung siya talaga ang totoong pumapatay malalagas kami dito lahat.'
Pagpunta ko sa kusina ay naupo na ako para kumain. Nakita ko kaagad na nakaupo na din si Alexa.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko kay Alexa.
"Oo." maikling sagot niya.
"Bakit ka nandito? Anong gagawin mo?"
"Inaantay ka."
⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄
"Paano mo naman nalaman na dito ako didiretso?" gulat na tanong ko.
"Tsk. Alexis hanggang ngayon wala ka paring bilib sa akin? Test mo nga sa school nahuhulaan ko eh, yung gagawin mo pa kaya." aniya.
"Ha?! Paano?" takang tanong ko.
"Nakikita ko yung mga mangyayari ng advance 30 minutes." paliwanag niya. "Tignan mo after 15mins luto na ang niluluto ni Aling Esther at ihahain niya na dito pero pagkaraan ng 30 minutes ay may mababasag kang baso at matatapunan ka ng juice sa damit." Dagdag pa nito.
"Tsk. Imbento mo HAHAHAHAHAHA." pang-aasar ko. Tinignan niya lang ako at tsaka siya ngumisi.
After 15 minutes...
"Oh Alexis luto na ang adobong niluto ko sa'yo. Tanghali ka na yatang nagising?" tanong ni Aling Esther.
'Damn totoong makalipas ang kinse minutos ay dumating si Aling Esther. Binaling ko ang tingin ko kay Alexa.
![](https://img.wattpad.com/cover/222115220-288-k292026.jpg)
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Trece 13
HorrorHorror • Mystery • Paranormal • Thiller Book 1 Palaging ikinukulong si Alexis sa kanyang kwarto. Naiiwan ito lagi mag-isa kapag pinag-bibintangan siya na inaapi si Sally- nakababatang kapatid nito. Laging wala ang mga magulang niya dahil busy sa tra...