IKALABING-ANIM NA YUGTO

62 25 0
                                    

Chapter 16: Is the Prediction's True?


November 10, 2020  (Tuesday3:00Am



Nagising ako ng nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang kumot ngunit napansin kong wala si Alexis sa tabi ko.


'Saan nanaman kaya pumunta yun?'


Dahil sa takot na baka mawala at iwan niya nanaman ako ay kusang nag-lakad ang mga paa ko para hanapin si Alexa. Pag-labas ko ng kwarto ay nakarinig ako ng malakas na tunog na nagmumula sa kwarto ni Sally.


Sarado ang pinto pero hindi naka-lock kaya dahan dahan ko itong tinulak at binuksan ng kaunti at sinilip siya.


Gaya ng dati ay inuuntog niya ang kanyang ulo sa pader na tila hindi nasasaktan. Kinakalmot ang mga balat sa katawan. Ilang minuto ko pa siyang tinignan at nagulat ako ng tumayo siya sa pagkaka-upo niya sa kama at nagtungo sa cabinet niya at kumuha ng gunting. Kinarga niya pa ang tuta niya at napatakip ako sa nakita ko.


(°ロ°٥)


Walang awa niyang pinag-sasaksak si Lili—tuta niya. Sumisirit na ang dugo nito sa kanyang mukha pero wala parin itong tigil sa pag-saksak.


Napaatras ako ng dahan dahan siyang tumingin sa akin.


(◣_◢)


Masamang tingin...


'Baliw ka na Sally!!! Tama nga ang hinala ko na kung pinatay mo yang sarili mong tuta, kaya mo ding pumatay ng sarili mong pamilya!!!'


Dahil sa takot na baka ako naman ang pag-diskitahan ni Sally patayin ay tumakbo ako pababa at nag-sisigaw.


"ALEXA?? ALING ESTHER?? ATE DONNA?? GUARD??!!" sigaw ko pero wala parin kahit isang lumalapit.


'Kailangan kong magtago! Pero saan? Sa basement?! Oo, sa basement!'


Mabilis akong tumakbo papuntang basement para mag-tago sana ng bigla akong nakarinig na may kumakanta.


~🎶'Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng metung a kaban
Mewala ya iti eku amalayan🎶~


Hinanap ko kung saan nagmumula ang tinig.

~🎶Ing sukdal ning lub ku 

Susukdaul qng banua

Mengurus kung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manakit
Qng singing kung mana
Kalulung pusu ku, manginu ya keka🎶~

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon