IKA DALAWANGPUNG YUGTO

71 23 2
                                    

Chapter 20: Friday the 13th

November 13, 2020 (Friday)



Alexis Punto de Bista


Nang magising ako ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Nang tuluyan kong imulat ang mata ko ay nakatali na ako sa upuan. Nasa harap naman ay nakatali din si Daddy at Sally sa upuan. Nandito pa rin kami sa basement.


Pinipilit kong sumigaw para humingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sa akin. Tumingin ako kay Sally at Daddy pero hindi ito makapagsalita dahil may busal ito sa bibig. Pinilit kong pumiglas at sumigaw pero parang mapuputol lang ang litid ko dahil wala namang nakakarinig.


Nakita ko si Alexa na pumasok at lumapit sa akin.


'Siguro ikaw lahat ang may kagagawan nito!'


"Alexa tulungan mo ako." pagmamaka-awa ko pero nanatili pa din itong nakatitig ng matagal bago mag-salita.


"Hindi kita matutulungan dahil wala akong lakas na hawakan ka ngayon. Dahil tapos na ang misyon kong gabayan ka sa anumang mangyayari." seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Ang misyon ko bago ako sumama sa liwanag ay tulungan kang paalalahanan sa iyong kaligtasan at ngayong malalaman mo na kung sino ang pumapatay ikaw na ang may kakayahan para magapi siya." dagdag niya pa.


'Hindi kita maintindihan Alexa!' sigaw ko pa sa isip ko.


"Natatandaan mo ba noong nawala ako sa tabi mo ng ilang araw? Ipinalit ko ang kakayahan kong mahawakan ang mga tao at bagay sa paligid ko dahil kay Ms. Vergara. Inimbitahan ko ang kaluluwa niya para mabalaan ka sa anumang mangyayari dahil kung ako ang magsasabi sayo nun pagtatawanan mo lang ako." naiyak ako sa mga sinabi niya at hindi man lang maibuka ang mga bibig ko para magpasalamat sa kanya.


'Salamat Alexa.'


"Ika 40 days na ngayon simula ng makikilala kita kaya ngayon kailangan ko ng lumisan at harapin ang naghihintay sa pangalawang buhay ko. Naniniwala akong makakaya mong malutas ang problemang ito." umiiyak na din na sabi niya. "Paalam! Hanggang sa muli Alexis!" paalam niya at bigla nalang siyang naglahong parang bula.


"ALEXAAAAAAAAA!!!" umiiyak na sigaw ko. Gusto ko siyang pigilang umalis pero wala akong magawa dahil sa estado ko ngayon.


Kasabay ng paglaho ni Alexa ay ang pag-dating ng babaeng may hawak na baseball bat ni Dad.



Si ALING ESTHER?!!


"Gising ka na pala Alexis! Dalawang araw kading mahimbing na natutulog. Nagula kaba Ma'am Alexis?" sarkastikong sabi nito. "Nagulat ka ba na ang yayang pinakamamahal mo ay ang may gawa ng lahat ng ito?! HAHAHAHAHAHA." demonyong tawa niya.



"Bakit mo ginagawa sa amin ito?! Anong kasalanan namin sa'yo!!!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon