IKALABIMPITONG YUGTO

81 26 0
                                    

CHAPTER 17: Basement



Pauwi na ako at nag-antay ng tricycle na masasakyan ng makita ko si Glen sa di kalayuan at mukhang may kinakausap ito.


Dahil wala pang tricycle ay napagdesisyunan kong lumipat malapit kay Glen para duon mag-antay ng tricycle.


Hindi niya ako kita dahil nakatago ako sa poste na nakalihis sa kanya at hindi ko sinasadyang pakinggan ang pinag-uusapan nila.


"Talagaaaa!!! Paano???" masayang masayang tanong ni Glen sa kausap niya.


"Dahil nanakaw ko lahat ng pinanalo ng kaklase mong mayabang sa social media." sagot ng kausap ni Glen. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.


Matangkad siya at mukhang kaedaran ni Dad. Naka-leather jacket ito at naka-maong na pantalon.


"Ikaw din ang pumatay kay Divine? Baket?" takang tanong ni Glen.


"Nahuli niya ako eh at nagsisigaw, ayun dinedo ko masyadong maingay naririndi ako. Ang mahalaga may pera na tayo." seryosong sabi ng kausap ni Glen.


'Ano?! Siya ang pumatay kay Divine? Damn!'


"Oo papa hayaan mo na. Bagay lang sa kanya yun masyadong mayabang." sabi ni Glen.


'Papa niya?!'


"May maayos na din na pampalibing ang pinsan mong si Margarette." masayang tinig na marinig ko sa kausap niya. "Tara na anak, kain tayo sa mamahaling resto HA HA HA." nakakarinding tawang dagdag ng papa niya.


"Tara!"


*


[Fast-forward]


November 11, 2020 (Wednesday) 1:30Am


Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari kanina. At dahil doon ay hindi ako pinapatulog ng mga nakita at narinig ko.


'Ayun na ba yung hula ni Ma'am Vergaraaaa?!'


⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄


"Ikinalulungkot ko na may pumanaw na tatlo ninyong kaklase. Condolences."

>Namatay sila Precious Paquiza, Margarette Raval at si Denver.


"Ikaw si Divine? Based sa penmanship mo ay yayaman ka pero la-laki ang ulo mo at ipagmamayabang ang yaman niyo kaya mananakawan kayo at may masaklap na mangyayari sa'yo."

>Namatay si Divine. Nanalo sila sa lotto pero nagyabang siya sa social media kaya nanakawan sila at namatay siya.


"Ikaw Glen. Magiging malungkot ka dahil may mawawala pero doble ang darating sayo."

>Namatayan si Glen ng pinsan pero nagkaroon sila ng maraming pera dahil ninakawan ng papa niya si Divine.


"Ikaw Raymond, bawas bawasan ang kayabangan dahil yan ang ikakapahamak mo sa huli."

>Pinagkamalang adik at pinatay ng mga pulis.


"Pero ikaw Ms. Alexis Navarro nakikita kong nakakakita ka ng hindi nag-eexist sa mata ng iba. May nag-papunta sa akin dito para sabihin sa'yo na mag-ingat ka iha, may nakikita akong babaha ng dugo matapos mawala ng Mommy mo ay sunod sunod na sila. Destroy everything you love, before everything you loved destroys you."

'Damn!'


Naalala ko si Sally! Ano na kayang ginagawa niya?


Tulog na si Alexis kaya lumabas ako para mag-tungo sa kwarto ni Sally pero wala siya doon. Nasaan nanaman kaya iyon?


Bumaba ako at hinanap ko siya sa sala at sa kusina pero bigo ako. Nasaan kaya ang demonyong yun?


Isa nalang ang hindi ko napupuntahan ang basement.


Nagmadali akong bumaba sa basement at nakita ko nanamang bukas ang pinto ng guestroom kagaya kahapon. Tumungo ako doon at pumasok. Sinipat ko ang kabuuan ng kwartong ito.


May lumang kama dito na kahoy. Mukhang hindi abandunado ang kwarto na ito dahil malinis at walang kaagiw agiw o alikabok kaso lang ay sobrang baho na parang may patay na daga talaga na umaalingasaw at ang sakit sa ilong kaya hinigit ko ang damit ko at medyo tinakpan ang ilong ko. May malaki ding lumang cabinet at sa tabi nito ay parang may lalagyan ng altar, pero hindi ito tulad ng iba na mga santo kundi litrato at may itim pang kandila na mukhang kakapatay lang ng upos.


Titignan ko na sana ang litrato ang biglang may narinig akong mahinang ungol na nagmumula sa cabinet.


Hinawakan ko ang pinto ng cabinet at bubuksan na sana ito ng may marinig akong yabag mula sa labas at kasabay nito ang papalakas ng papalakas na ungol ng tao na mukhang nahihirapan sa loob ng cabinet.


Dahil sa ungol ay nagmadali akong buksan ang cabinet at nagulat ako sa biglang bumungad sa akin.


Malalamig na bangkay nila Yaya Jessica na sa tingin ko ay matagal ng patay at si Yaya Donna na mukhang sariwa pa ang mga dugo sa katawan. Walang mga kaliwang mata, puno ng saksak at may nakaukit na number 13 sa noo nila.


Napatingin ako sa umuungol ng magulat pa ako sa nakita ko.




"D-dad-d-yy?"


Wala na din itong kaliwang mata at may nakaukit na malaking 13 sa buong mukha nito pero ang pinagkaiba lang nito sa mga nauna ay BUHAY PA SI DAD.


Nakatali ang mga kamay at paa nito. Naka-ducktape din ang bibig nito kaya ungol lang ang naririnig ko sa kanya. Tatanggalin ko na sana ang mga tali sa kamay niya ng may nararamdaman akong humampas ng matigas na bagay sa ulo ko mula sa likuran ko kaya napahawak ako sa picture sa altar at natumba.


Bago ako mawalan ng malay ay nasipat ko pa ang kabuuan ng nasa litrato.



SI ALEXA!!


________________________________________________________________

Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup. Thankyou!!

[COMPLETED] Trece 13 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon