Chapter 7

39 4 0
                                    

[Roxanne's POV]

Ilang araw pa ang lumipas. Puspusan pa din kami sa training. 'Di ko manlang namalayang Sabado na ngayon. Tinawagan ko si Jade para sabay na kaming pumunta sa LMIS para mag exam at malaman namin kung anong section kami.

~Calling Jade~
Ringing

"Hoy babae! Pinuntahan kita dito sa Gym nyo! Akala ko nandito ka! Yun pala wala ka! Ang alam ko lagi ka dito!" sigaw niya. Dahilan para ilayo ko sa tenga yung telepono. Nakakabingi. Nakalunok ba siya ng sampong microphone.

Palusot. Gusto mo kang makita si Xyle

"Sige jan ka nalang. Susunduin kita" kako tyaka nagdrive.

Ilang saglit pay nakarating nako sa Gym. Agad kong pinark ang kotse ko tyaka umakyat papunta third floor.
Pumasok ako sa Gym at nadatnan ko si Jade na pinupunasan yung likod ni Xyle.

Sabi na eh. Malantod ka. Kung hindi lang kita bestfriend.
Lumapit ako sa kanila ni Xyle. Pinitik ko ang tenga ni Xyle dahil parang gustong gusto pa niyang magpapunas sa likod kay Jade.

"Aray!" daing ni Xyle. Tyaka tumingin sakin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"A-ate!?" sigaw nya. Atyaka tumayo at daling nagsuot ng sando.

"Ano yan ha?" tanong ko na nakapamaywang pa.

"Bes, bat mo naman pinitik -" si Jade.

"Isa ka pa. Anong meron sainyo ha?" tanong ko.

"W-wala ha" kinikilig na sabi ni Jade.

Hindi naman sa ayaw kong magkamabutihan sila. Ayaw ko lang na nagbibigay ng motibo si Xyle kay Jade tas ito namang si Jade umaasa. Tapos hindi rin pala siya papanagutan ni Xyle kung sakaling mahulog si Jade. Kilala ko si Xyle. Friendly lang talaga siya. Pero ewan kung bakit iba ang dating non sa girls.

"Naiinggit ka lang yata kasi wala kang taga punas ng likod" natatawang biro ni Xyle. "Kuya Ivan, bakit hindi mo-" hindi niya natuloy yung sigaw nya nung sungalngalin ko siya ng dimpo sa bibig.

Napatingin samin lahat ng tao sa Gym.
Yung tingin na nanunukso.

"Ano?!" mataray na tanong ko sa kanila.

Umiling silang lahat at ngumiti tyaka bumalik sa training.
Mga abno.

Tutal nandito na ako sa Gym. Hihingi na ako ng sorry kay Coach Ahmed. Aaminin kong kabastusan yung ginawa ko sa kaniya. Kru ko pa rin siya at ilang taon na kaming magkasama.
Lumapit ako sa Registration Desk. Nandon si Coach Helena. Siya ang nakatoka.

"Coach Helena, si Coach Ahmed at Coach Ernest ?" tanong ko.

Walang reaksyon siyang tumingin sakin. Bakit parang ang lungkot ng buong Gym.

"Hindi mo pa nabalitaan? Aalis na siya sa Gym" si Coach Helena.

Natigilan ako at nabitiwan yung sling bag ko.

Napatingin silang lahat saakin pero wala akong pake.

"N-nasan siya?" tanong ko.

"Nasa Jiu-Jitsu TC, sa taas. Nagpapaalam sa ibang students ng YCG" sabi ni Coach Helena tyaka ngumiti ng mapakla.

Ramdam ko ng may namumuong luha sa mata ko. Agad akong tumakbo papunta sa taas. Iniwan ko yung slingbag kong nahulog sa sahig. Hindi na mahalaga yon.

Pagkarating ko sa fourth floor. Sa may Jiu-Jitsu TC. Agad akong pumasok. Wala ng katok katok.

Dinatnan ko ang ilang Trainer ng YCG Team na nakikipagkamay na kay Coach Ahmed. Napatingin naman silang lahat sila saakin.

"C-Coach" sabi ko habang nanggigilid ang aking mga luha.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon