Chapter 12

39 5 0
                                    

[Xyle's POV]

Naglalakad ako papuntang hallway para sana mag merienda.
Pero-

"S-sorry Miss." saad ko tyaka tumingin sa babaeng natapakan ko. Nakita ko namang nadumihan ang medyas niya.

Masama ang tingin niya saakin. Nagsorry na nga eh.

"Sorr-."

"May mata ka naman yata di'ba? Meron nga, pero hindi mo ginagamit ng maayos? Andaming bulag na naghahangad ng mata tapos ikaw na normal ang paningin aanga anga pang napakalawak ng lalakaran ay makakabunggo pa!?" pagtataray niya.

"Wait, bakit ba ang sungit mo? Anong magagawa ko eh nandyan na. Kung pwede lang ibalik edi sana sa Canteen nalang ako pumunta." naasar na sagot ko.

"At ikaw pa ngayon ang naaasar ha? Kapal mo. Ikaw na 'tong nakaapak ng medyas, ikaw pa ang naaasar!? Taray ha!" sigaw niya

"Parang medyas lang, handa kang makipagpatayan." sabi ko.

"Talaga! Hindi mo gugustuhin dahil baka magilitan kita sa leeg." pananakot niya tyaka naglakad papasok sa cafeteria.

Sungit. Mukha namang nerd. Nakasalamin, naka brace, magulo ang tali ng buhok. Tsh.

Pumasok rin ako sa loob.

"Omg he's so cute!"

"Ano kayang name niya?"

"May girlfriend na kaya siya?" bulungan ng ibang students.

Hindi ko sila pinansin at tuloy na naglakad. Nang mahagip ng mata ko si Ms. Nerd.
Kasama si Jade? at-

Si Ate.

Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi..

"Omg, girlfriend niya ba yan?"

"Omg, omg, omg this is not happening! Wake me up!!"

Bulungan pa ng students.

"What are you doing here?" tanong ni Ate naka crossed arms na nakaupo.

"Ano ba ang dapat ginagawa sa Cafeteria?" tanong ko.

Napairap nalang siya sa kawalan.
Napatingin naman ako kay Nerdy.

"Kapag nagtatanong ng maayos yung tao, sagutin rin ng maayos, di'ba Jonna?" sabi ni Nerd.

"A-ahh Oo nga naman hehe" takhang sagot nung babae. Yun siguro ang Jonna.

"It's okay, kapatid ko siya." sabi ni Ate.

Nanlaki naman ang mga mata nila maliban kay Jade at Ate.

"Magkapatid kayo? Akala ko mag-jowa" sabi nung isa.

"Kaya pala parang lalaking version ka ni Roxanne." sabi pa nung isa.

"Ah, yeah. By the way. I'm Xyle" nakangiting sabi ko sabay tingin kay Nerd na nakatingin sa sahig habang nakakunot noo.

"Im Trish"

"Sam"

"Jonna"

"Kylee"

Tumingin kaming lahat kay Nerd. Kaya naman nagtaka siya.

"What?" tanong niya.

Agad sinenyasan nung Trish na magpakilala siya saakin.

"Why should i?" mataray na tanong niya.

"Kanina ayaw mong magsungit kay Arielle pero sa kapatid ko parang malalagpasan mo pa pagka Attitude ko." natatawang sabat ni Ate.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon