[Ivan's POV]
Nasa labas kami ng Operating Room, kasama si Xyle, Tita Maggie at ng Lola nya.
"Hijo, alam kong mahirap 'to para sayo. Gusto kong malaman mo na hindi namin pinilit si Shaun mag donate—" si Lola.
"I know po Lola, it's just, ang hirap e. Ang hirap kasi pinsan ko si Shaun." sagot ko.
"Mahihirapan si Shaun sa araw araw na buhay nya. Sya ang iinda ng sakit na dapat si Roxanne ang umiinda." matamlay na saad ni Tita Maggie.
Kanina pa sinimulan ang operation. Halos apat na oras na ang nakalipas.
Isang araw bago ang operasyon ni Roxanne nakapag usap kami.
[Flashback]
"Kamusta naman pakiramdam mo? May masakit ba—" hindi pa ako natatapos sa aking sasabihin ng tumango sya at ngumiti.
"Huwag mo na akong alalahanin, sobrang maayos ang lagay ko." sagot nya.
Tumango ako at tinapik ng bahagya ang bunbunan nya.
"Ano ba ang pangalan nung nag donate sakin? Napaka bait naman nya. Gusto ko syang pasalamatan." nakangiting saad nya.
Ano kaya ang magiging reaksyon nya na si Shaun ang magiging heart donor nya?
Napabuntong hininga ako bago magsalita.
"Malalaman mo pagkatapos ng operasyon mo, kaya magpagaling ka agad para mapasalamatan mo siya, okay?." nakangiting saad ko upang ikubli ang lungkot.
Tumango sya at ngumiti saakin.
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng pumasok ang nurse.
"Sir may iba pa pong bisita si Mam." saad nung nurse.
Matapos non ay iniluwa ng pinto sina Mayumi, Trisha, Jonna, Kylee, Samantha at Jade."Sorry to interrupt —" hindi na natapos ni Trisha ang sasabihin nya ng tumayo ako..
"Nah, it's fine. Lalabas na rin naman ako para mag lunch, kayo muna ang bahala kay Roxanne." saad ko. Tumango lang sila.
Binalik ko ang tingin kay Roxanne. "Babalik ako love." saad ko tyaka sya hinalikan sa noo.
"Mag-iingat ka." malambing nyang sagot. Tumango ako tyaka sya nginitian.
Nagpaalam rin ako sa mga kaibigan nya tyaka tuluyang umalis.
Naglalakad ako sa kalagitnaan ng hallway ng hospital ng,
"Ivan let's talk." malanding boses mula sa likod ko.
Agad ko yung nilingon at bumungad sakin si Janice.
Halos lumuwa ang mata ko sa mga nakikita ko.
Hindi ito ang Janice na nakilala ko.
Hindi siya ganito manamit.
"A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.
Lumapit siya saakin at hinila ako sa kwelyo. Akma nya akong hahalikan kaya mabilis ko syang naitulak.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
ActionBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...