[Someone's POV]
Kakarating ko kang from China. It's nice to be back. Ilang taong din magmula nung huli akong namalagi dito
Agad kong tinawagan ang paborito kong pinsan. Dahil siya lang naman ang pinsan ko. Mag kapatid ang Mom nya at Mommy ko. Bigla ko tuloy namiss si Tita Leah at Tito Rico. Madalaw nga minsan sa Pangasinan.
~Calling Kyle~
"Hello soy!? Mabuti at napatawag ka?" sabi nya mula sa kabilang linya.
"Ah yes. I'm here." simpleng sagot ko.
"You're here!? When? Why?" tanong niya.
"Let's meet nalang tomorrow." sabi ko.
"Ha? May training kami eh." sagot niya.
"Taekwondo?" tanong ko.
"Hindi."
"Eh ano?"
"Muay Thai"
Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya.
"Seryoso ka? Hahahaha" biro ko.
"Soy, Tisoy na instik. Alam kong magaling ka sa Muay Thai pero wag mo akong tawanan." siya.
"Kasi, sabi ko nung una sakin. Hinding hindi ka aabot sa point na makikipagsuntukan Hahahaha. Pero look at you now." natatawang sabi ko.
"Oo na, By the way. Gusto mo magpa member?" tanong niya.
"Yes." sabi ko. "Bye."
"Teka—"'di na nya natapos ang sasabihin nya nung binabaan ko siya.
[Roxanne's POV]
"Ate dito nalang tayo sa Luna mag-aral.." pangungulit niya.
"Pag-iisipan ko." kako tyaka tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.
Sumunod siya sakin habang nakanguso.
Anong mukha yan."Please ate." pagpipilit nya sakin.
"May school tayo di'ba? Bakit gusto mo pa jan?" mataray na sabi ko.
Agad namang kumunot ang noo nya.
"Masama na pala mag-try ng iba?" taas kilay niyang sagot.
Halatang inis na siya.
"Kung ayaw mo edi huwag ka mag-aral!" sigaw niya tyaka umakyat sa hagdan.
"Edi huwag! Mamimilit ka tapos gagalit galit ka" sabi ko tyaka kinuha sa paa ko yung tsinelas at akmang ihahagis sa kanya pero inerapan lang niya ako.
BAKLA
"Ano ba kayong dalawa? Bakit kayo nag -aaway?" pangsingit na tanong ni Manang
"Eh yan pong magaling nyong alaga! Gusto lumipat ng school. Eh sabi ko may school naman kami bakit pa siya lilipat." masungit na paliwanag ko habang nakatingin kay Xy na nasa hagdan pa din.
"Wow! Atleast ako may balak mag-aral! Eh ikaw!? Tinatamad ka na!" inis na sigaw niya.
Wow ha!? Tamad ako?
"Atyaka! Bakit bawal bang mag-iba ng school? Nakakasawa din kaya don sa school natin!" sigaw niya pa. "Alam kong ate kita, pero hindi kita Amo. May mga bagay na kailangan ako ang madedesisyon para sa sarili ko! Lagi nalang akong sumusunod sayo kesyo mas nauna kang lumabas kesa sakin! Pero damn parehas lang tayo ng Age at Birthday. " sabi nya tyaka naglakad papasok sa kwarto niya.
Nang makapasok na siya'y
"Tama ang kapatid mo Xanne. " nakangiting sabi ni Manang tyaka nagkakad papuntang garden.

BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AcciónBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...