Chapter 9

29 4 0
                                    

[Roxanne's POV]

"I-ivan" mahinang naiusal ko.
Hindi ko alam kung bakit yun ang unang lumabas mula sa bibig ko. Pakiramdam ko kapag nandyan siya ligtas ako. Siguro dahil nung niligtas niya ako mula sa nga lasinggero.

Agad siyang tumakbo papalapit sakin at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Kamusta?Anong nararamdaman mo?" nagaalalang tanong niya. Bakit ganyan ka Ivan?

"Ayos na ako." mahinang tugon ko atyaka ngumiti.

Mapapikit sya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Roxanne!?" biglang dumating si Shaun.
Agad rin siyang lumapit saakin. Dun siya sa kabilang side habang si Ivan ay nasa right side ko.

Tumingin pa muna siya kay Ivan na ngayo'y nakayuko na sa kamay ko.

Tyaka siya bumaling ng tingin saakin.

"Kamusta ka?Anong nangyare?" tanong nya.

"Ayos na a—." biglang tumayo si Ivan tyaka lumapit sa Information Desk.

"Magkano 'tong hospital niyo!?" bulalas na sigaw niya.

"Anong nangyare at ganyan kagalit si Ivan?" pabulong na tanong ni Shaun

"H-hindi ko alam." sagot ko. Malamang kakagising ko lang eh.

Tumayo siya para pakalmahin si Ivan.

"Dude, kalm—"

"No! Napakawalang kwenta ng hospital na'to! Kung hindi ka pa nakabihis ng maayos hindi ka aasikasuhin!? Kesyo daw wala akong pambabayad dahil sa suot ko!? P'tangina nyo! Ipapasara ko 'tong hospital niyo. Tandaan niyo yan!" sigaw ni Ivan.

Tyaka agad lumapit sakin at—

Binuhat nya ako!?
Wala akong magawa kundi titigan siya.
Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.
Tumitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagpumiglas. Hindi ikaw 'to Roxanne! Huwag kang marupok.

Tinitigan ko lang siya. Gwapo pala siya. Mula sa singkit niyang mata, hindi naman masyadong matangos yung ilong hindi rin masasabing pango,yung labi niya mapula, naka liptint ba siya?. Yung kilay niya kasing kapal ng mukha ni Arielle. Yung pilik mata niya mahahaba.

"Ivan ano ba!? Saan mo dadalhin si Roxanne!?" sigaw ni Shaun na nakasunod samin.

"Just please shut up Shaun, not now. Walang kwentang hospital jan. Hindi ko hahayaang jan mag stay si Roxanne"  seryosong sabi ni Ivan. Makikita mo sa mata niyang galit siya

"Pero Ivan, mas safe si Roxanne dito!" sigaw pa ni Shaun.

"Ligtas!? Wala ka kasi kanina dito! Ako yung nandito! Kaya wala kang alam!" sigaw rin ni Ivan.

"Hep!" pag-singit ni Xyle at pumagitna kila Ivan at Shaun.

Nandito pala siya. Bakit hindi ko napansin. Hahahahaha.

"Iuuwi natin si Roxanne. That's what i want, and what i want, is what i get." seryosong sabi niya na nakatingin sakin. Hala galit pa rin ba siya sa pagsapak ko sa kanya? Hindi pa nga pala ako nagso-sorry. Siya pa ang nagdala dito sakin sa hospital.

"T-tama. Kulang lang ako sa pahinga." pagsingit ko para humupa ang tensyon

"Sige. Mauuna na ako" walang ganang tugon ni Shaun.
"Kuya Shaun sabay ako sayo" sabi ni Xyle.

"Ha? Bakit sakin? Naka motor lang ako." nagtatakang tanong ni Shaun.

"Hindi ko pa kasi natry na sumakay sa ganyang motor." natatawang sagot ni Xyle tyaka kumamot sa ulo niya. Natawa rin si Shaun tyaka tumango kaya naman sumakay si Xyle.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon