•\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\•/////////////////////////•
1990
Kinakabahan ako. Kakaibang kaba. Hindi ko alam. Ako si Elizea! Eli! Pero bakit ganito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa madilim na kalsada. Wala na akong masakyan. Iniwan ako ni Mommy kanina dahil may aasikasuhin nanaman sa company. Hindi manlang ako pinasundo."Hi miss." nakakatakot na boses na mula sa likuran ko..Habang nakahawak siya sa balikat ko.
Biglang dunagundong ang puso ko sa kaba.
Agad kong hinawakan ang kamay na nakahawak sa balikat ko at pinilipit iyon at binalibag siya.
Nagpagpag pa ako ng kamay habang pinagmamasdang namimilipit siya sa sakit.
Lampa-nget
Laking gulat ko ng bigla silang dumami..Puro sila lalaki. Isa isa lang naman.
"Wala pa rin pinagbago Elizea." nakangising sabi ni Bobi.
"Anong kailangan niyo sakin?" mahinanon na sabi ko.
"Kailangan mo na mawala. Nalalaos na yung fraternity namin at wala ka manlang ginawa para tulungan kami!?" sigaw pa niya.
"Alam mong lahat ng hawak kong fraternity ay may mabuting hangarin. Yun ay ang pigilan ang mga bully at nananakit sa loob at labas ng school 'na pag-aari ko' "nakangising sagot ko
Sila ang 'Glaxon' kuno. Lagi silang nambubuyo, nangunguha ng snacks ng student at nagyayabang yabangan sa school.
Puro yabang hangin lang naman laman ng utak
"Tangina niyang paniniwala mo Elizea. Walang taong umaangat ng hindi nangbababa ng iba!" sigaw ni Bobi.
Maling mali ka.
"Bakit mo kakailanganing mangbaba ng iba kung pwede kayong magtulungan paitaas?" saad ko.
"Alam mo kasi Bobi. Parang pag-akyat lang yan sa bundok. Kapag nakita mong nahihirapan umusad yung isa. Hawakan mo ang kamay at tulungang hilahin at sabay kayong maglakad paitaas." malalim na sabi ko.
"Hindi ko maintindihan ang mga sinabi mo!" sigaw niya.
Malamang bobo ka eh.
"Hindi ko sinabing intindihin mo." nakangising sabi ko.
"Gago ka pala eh!" sigaw nya kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot. Hindi ko iyon pinahalata.
"Aalis na ako." sabi ko tyaka akmang hahakbang ng may humampas sa batok ko. Napadaing ako sa sakit.
"Akala mo makakaalis ka pa ng buhay!?" sigaw ni Bobi tyaka muli akong hinampas sa balikat
Isa lang ang masasabi ko potangina masakit
Hindi ko alam at hindi ako makalaban. Wala akong lakas. Hindi ka ganito Eli! Tumayo ka! Huwag kang matakot sa kanila!
Tumayo ako at sinanga ang paparating na palo ni Bobi tyaka hinila sa kaniya yung dos por dos
"It's my turn." mahinang bulong ko sa sarili ko tyaka malakas na hinampas sa ulo si Bobi.
Syempre dumugo yon alangan namang maglabas ng ginto yung ulo niya pag hinampas.
"Boss" sigaw nilang lahat tyaka patakbong lumapit kay Bobi.
Nawala ang takot ko pero
Gulat ako ng biglang may sumakal sakin gamit ang braso niya tyaka tinutukan ako ng patalim sa likuran.

BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
ActionBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...