[Roxanne's POV]
Hinarap ko siya.
"T-tita" tawag ko sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
Galit ba siya sakin dahil sa ginawa ko.
"Hindi naman ganyan ang itinuro ko sayo." natatawang saad ni Tita Mayie..
Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi para sakin kundi para kay Janice. Kung ano ang mga kaya kong gawin, kaya niyang doblehin.
"Tita, let's go home na." pag-aya ko. Para mapigilan siya. Alam ko ang ugali ni Tita.
Hinila naman ako ni Xyle atyaka inakbayan habang nakangiting pinapanood si Tita.
"Xyle, awatin mooo!" inis na sabi ko pero tinakpan niya bibig ko .
"Hindi inere ng Ate ko si Roxanne para lang ganunin mo." sabi ni Tita May.
"Base sa suot mo, mukha ka namang may pinagaralan. Nag-aaral ka nga lang siguro pero hindi nakikinig. Hahahaha." natatawang sabi pa niya.
"Huwag ka ngang makialam dito!" sigaw ni Coach Jhen tyaka sinabunutan si Tita May.
Napatayo naman ako pero tinignan lang ako ni Xyle na parang sinasabing 'kaya na ni Tita yan'
Nakita ko namang sakal sakal na ni Tita ngayon si Coach Jhen. Ang lupit.
"Ikaw ang huwag mangialam Jhen." nakangising sabi niya tyaka tinulak si Coach Jhen sa sahig.
Tumingin si Tita kay Coach Helena at nagngitian sila. "Tulad ng dati." nakangiting sabi niya. Tumango si Coach Helena tyaka naglabas ng inumin.
Normal na normal lang para sa kanila yung ganitong pangyayari.
"It's nice to see your f'cking ugly face again, Jhen." nakangising sabi ni Tita May kaya nagtawanan silang lahat.
Tumayo ako at lumapit kay Coach Helena. Nagbabakasakaling pwede niyang pigilan si Tita May.
"Coach—"
"Tulad pa rin siya ng dati. May pinagmanahan ka nga." natatawang sabi niya. Napalakumos nalang ako sa sarili kong mukha.
"Lumayas na kayo. At ayokong makikitang muli yang mga pagmumukha niyo!. Realtalk? Ang pangit niyo. Wala pa kayo sa kalahati ng ganda nitong pamangkin ko. By the way. You" sabay turo kay Janice. "I'm Mayyie Ayento. Tandaan mo ha. Mayyie Ayento. At itong kinanti mo kanina. Pamangkin ko. Roxanne Eliz 'Ayento' Castalèho." pinagdiinan pa niya yung middle name ko.
Tumingin lang ng masama si Coach Jhen sa kanya.
"Ano!? Hindi kayo aalis? Balak niyong mag overnight dito? O baka gusto niyong ibaon ko kayo dito ora mismo" maangas na sabi ni Tita.
Dahan dahang tumayo si Jhen at Janice pero hinila sila ni Tita sa kwelyo at kinaladkad palabas, tyaka tinulak sa hagdan. Muntik pang gumulong si Jhen.
Tshh. Yang ang ayaw ko kay Tita, medyo sobra.
"Tita—"
"I'm a lil' bit disappointed with you." sabi niya agad.
Si Tita May kasi yung tipong kapag hindi pa satisfied hindi titigil. Masyado siyang pranka, at matabil ang dila.
"Bakit mo hinahayaang ginaganon ka? Hindi ba't kaya nga kita inenroll dito nung bata ka pa ay para maging malakas ka? Not just physically but also, emotionally. Napagusapan na natin 'to. Huwag ka maayadong malambot. Dahil maaabuso ka. Nasaan na yung dating Roxanne na binuo ko? Yung maski isang ngiti sa labi ay wala akong nakikita!? Maski tumawa ay hindi ko makita!? Nasan?" mahabang sabi ni Tita.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
ActionBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...