[Roxanne's POV]Nakauwi na kami galing Gym. Andaming payo at paalala nika Coach, halos kada year ko yung naririnig. Paulit ulit. Tch.
Nakapag-ayos na rin ako. Balak ko matulog ng maaga ngayon.
Balak lang. Hahaha
Naalala ko, yung kwento!! Yung kwento nila Mommy at Daddy. Kailangan ko hanapin si Tita!.
Dali dali akong lumabas sa kwarto at nagpunta sa study room. Alam kong dito lang tumatambay si Tita.
Binuksan ko ang pinto at.
Tama nga.
Nandito siya. Nakaupo at nakataas sa table ni Mommy. Habang nakangiti at nakatutok sa cellphone.
Kachat si Coach Ernest. Tsk.
"Tita.." tawag ko. Agad naman siyang napatingin sakin.
"Yes?" tanong niya.
Tch. nakalimutan na agad? Dahil ba 'to sa halik ni Coach Ernest?
"Nakalimutan mo na? Sabi mo kagabi na kwekwentuhan mo pa ako." kunwaring malungkot na tanong ko.
Agad naman siyang tumayo.
"Dun tayo sa kwarto mo. Para habang nagkukwento ako, aantukin ka." nakangiting sabi niya. Tumango lang ako tyaka sumunod papuntang kwarto ko.
Marahan kong isinara ang pinto.
Tinapik ni Tita ang kama ko na sinasabing humiga ako. Kaya ginawa ko naman.Naupo siya sa tabi ko.
"Itutuloy ko na." nakangiting sabi nya habang hinahawi ang buhok ko.
Tumango ako bilang tugon.
•///////////////////////•\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\•
1980
Naglalakad kami papasok sa hallway ng school. Kanina pa ako palinga linga sa paligid.
"Hoy Elizea! Eli! Anong nangyayare sayo kanina ka pa aligaga jaan!" bulyaw ni Ainna.
Bigla akong bumalik sa ulirat ko at tumingin sa kaniya.
"Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang sigawan ako!?" mataray na sabi ko.
Hindi naman siya nagpatinag at mas tinaasan ako ng kilay.
"Hoy Ayento. Kaibiga—" 'Di na niya natapos ang sasabihin nya nang biglang may lumitaw na rosas sa harapan ko.
Nagkatinginan kami ni Ainna.
Denis
Nilingon ko kung sino ang may hawak nung rosas.
"Hi Elizea." nakangiti niyang bati
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Dahil hindi si Denis iyon.
"Babae! Kunin mo na kaya..Nangngalay na si pogi—"
*Boogsh*
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Tugtugtugtug
Bumagsak sa sahig yung lalaki
"Wala kang karapatang bigyan ng rosas ang girlfriend ko"
Tugtugtugtug
Denis
"Sorry master. 'Di ko alam na gf m—"
"Layas!" bulalas ni dali naman umalis yung lalaki.
Tiningnan ako ni Denis ng masama. "Sakin ka lang. Tandaan mo yan. Tsk" bulong nya tyaka iniwan akong tulala.

BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AksiBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...