"Love conquers everything"
Naniniwala ba kayo sa katagang iyan?
Well. Kung ako ang tatanungin. NO.
Why? Simple lang, hindi ko pa nararanasan magmahal.Weird no?Haha.
Maaga akong naulila dahil both parents ko namatay.
My mom died because of Stage 4 Brain Cancer.
My dad died because of Heart Attack.Halos isang linggo lang ang pagitan ng pagkamatay nila.
Kaya eto. Ako lang mag-isa.
Although hindi ako iniwan ng mga kasambahay namin lalong lalo na si Manang Ester.
Iba pa rin pag magulang ang kasama mo.Bagong panganak lang ako nung nadiagnosed si Mom na may Tumor sa Utak.
Ilang months lang din tinagal nya dahil di agad naagapan.Minsan iniisip ko na kung 'di dahil sakin, hindi mamamatay si Mom.
Ni hindi ko manlang siya nakita sa personal.
Sa picture ko lang siya nakilala.Si dad naman. Namatay dahil sa kakainom, yes inatake sya sa puso dahil sa kakainom.
Ang unfair no? Namatay lang si Mom tas iniwan din nya ako. Haha.Ano ako ngayon? Eto. Magisang nakatira sa mansyon na pinundar nina Mom at Dad.
Kahit anong mangyare 'di ko pababayaan ang mansyon na to.
Dahil alam ko ma maraming memories na nabuo si Mom and Dad dito."Master Roxanne hinahanap na po ng inyong tagapagsanay" sabi ng aming butler na si Fred. Medyo may katandaan na din ito. Nasa mga 50 plus na siguro siya.
"Pasabi po susunod ako." sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko.
Naaninag ko namang tumango si butler Fred.Nasan na ba yung salamin ko? Punyemes kasing mata to eh.
Kung pwede lang palitan tong mata ko ginawa ko na para di ako nahihirapan magsalamin.Kinuha ko sa side table ang eyeglass ko, at agad na sinuot. Tumayo ako at humarap sa salamin. Gulo gulo nanaman ang buhok ko. Mahaba na ata masyado. I think i need to cut it na.
Pero bilin sakin ni Manang Ester na wag ko daw ipapagupit ang buhok ko pag hindi pa ako 18 years old.
Well 16 pa lang ako. Grade 10 student.'Di ko na kailangan magtrabaho dahil may savings sila Mom na nakalaan talaga para sa pang tuition ko hanggang matapos ako ng college.
Thankful talaga ako na kahit wala na sila, parang inaalala pa rin nila ako. Sana gets nyo yung point ko haha.
Actually 'di naman talaga ako lubusang ulila. Dahil meron akong twin hehe. 'diba?pasabog.
HAHAHA panes.
"Ate! What took you so long?" bulyaw sakin ni Xyle na ngayo'y nasa tapat ng aking pintuan.
"Xyle Deniz Castalého sinisigawan mo na ang ate mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa salamin at nagsusuklay.
"Napaka arte kasi eh, andami mo pang kaartehan, inaantay na tayo ni Coach Jerry sa baba mamaya pahirapan nanaman ako nun mag push-up kakaasar yung panot na yon" reklamo pa nito.
Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ng tagapagsanay/Coach namin dito sa bahay. Well nagtetraining kami ni Xyle ng Muay Thai.
Actually, 6 years old ako nung nagstart ako tas si Xyle 8 years old nung nagstart.
Nagtataka rin ba kayo kung bat Ate ang tawag nya saakin?HAHA.Sabi ko nga twins kami, pero it doesn't mean na sabay kami lumabas sa ano ni Mom grabe naman yon hahahha.
Nauna akong lumabas mga 2 minutes akong nauna sa kanya kaya yon. Ate nya ako HAHA.
"Sige na bumaba ka na magpapalit lang ako" sabi ko sa kanya kaya naman tumango lamang siya at umalis.
Dali dali naman akong nagpalit ng Muay Thai short ko at Sports bra. Pinatungan ko naman yun ng sando.
Naglagay rin ako sa bag ko ng extra shirts at shorts ko tas may dala din akong tatlong panyo at bimpo.
Syempre hindi mawawala yung tubig at iba ko pang gamit.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AcciónBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...