Epilogue

40 4 4
                                    

[Ivan's POV]

Siyam taon na rin pala ang nakalipas.
Maraming pinagdaanan pero nalalagpasan.
Ganito talaga siguro kapag mahal mo yung tao, hindi mo susukuan.

"Daddy oh shi kuya Ter anina pa nya ako kinikilite" pagmamaktol ng bunso kong anak tyaka kumandong sakin.

"Blaster, nasan na ba ang Mommy mo?" i asked.

Nagkibit balikat lang siya tyaka muling tinuon ang atensyon sa coloring book na kinukulayan nya

Si Clyde Blaster ang pangalawa kong anak. He's 3 years old, and i admit na nagmana siya sa kamiyang Mommy.

Bukod sa matabil ang dila, matalino rin sya.
Lagi nyang pinagtatanggol ang younger sister nya sa mga nang aasar rito.

Nasa Sala kami ngayon habang inaantay bumaba ang asawa ko.
Kay tagal talagang kumilos, tapos kapag na late ako sisisihin dahil mabagal ako mag drive ng kotse. Hayst.

"Ivy magsuot ka na ng shoes mo." sabi ko tyaka aya ibinaba mula sa pagkakakandong sakin.

Dali naman syang tumakbo at kinuha ang favorite shoes nya.

Ang regalo ng Tito Shaun niya.

[Flashback]

"Oh Ivan, this is my gift. Gusto ko iyan ang susuotin lagi ng magiging anak nyo okay? Hahahah. Congratulations! Best wishes bro." saad nya sabay abot ng isang kahot na nakabalot sa color brown na wrapper at may color cream na ribbon.

"Salamat." nakangiting sagot ko.

"Saan? Sa regalo ko?" natatawang tanong nya.

Siniko ko sya tyaka sya inakbayan.

"Pero seryoso Shaun. Maraming salamat sa lahat, salamat sa pagpapaubaya, salamat sa pagbibigay ng second life kay Roxanne. Salamat sa mga tulong mo sakin." saad ko.

Agad nyang tinanggal ang pagkakaakbay sa kamay ko. "Nako utol nababakla ka na, baka nakakalimutan mong kakakasal mo lang, atyaka magpinsan tayo tol." pabiro nyang saad.

"Sira!" sabi ko tyaka sya sinanggi ng braso ko.

"Walang anuman. Para na kitang kapatid, walang kaso sakin lahat ng ginawa ko. Mahal kita bilang kapatid, at mahal ko si Roxanne, bilang kaibigan." nakangiting saad nya tyaka ako tinapik sa braso.

"Kaya ikaw paborito kong pinsan e!" saad ko

Natawa na lang kami parehas.

[End of Flashback]





Hindi ko namalayan na naluha na pala ako sa pag alala ng mga masasayang sandali namin ni Shaun.

"Hoy Mister Ivan Yuan Lim. Nako mahuhuli tayo nyan eh!" sigaw ng misis ko.

Sabi sainyo eh. Ako at ako ang masisisi pag na late sa lakad.

"Ikaw nga 'tong ang tagal mag ayos—"

"Aba kung tinulungan mo sana ako sa paghahanda ng breakfast, pagpapaligo jan sa—" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng agad ko syang yakapin mula sa kanyang likuran.

Parehas na kami ngayong nakaharap sa salamin.  Natigilan sya sa pagsuklay ng buhok nya at nagtugma ang paningin namin sa salamin.

Naaalala ko yung ganyang mga ngiti.
Mga ngiting nagpabihag sakin.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon