Chapter 6

50 6 2
                                    

[Roxanne's POV]

Naglakad ako pauwi..Hindi ko alam mag commute.
At mas lalong hindi ko pwedeng kunin yung kotse dahil si Xyle naman ang maglalakad.
Papalabas pa lang ako sa subdivision kung saan nakatayo ang Gym namin.

Nang biglang may humarang saaking kalalakihan. 'Di sila katangkaran. Mga lassingero yata.Tatlo sila. Agad akong napatingin sa suot ko. Buti at naka hoodie na ako. Naka Muay Thai short nga lang.

"Hi Miss Ganda" sabi nung isang kalbo. Hindi ko yon pinansin at nagtuloy sa paglalakad ng bigla akong hilahin.

"Ano ba!" sigaw ko tyaka tinulak siya ng malakas kaya napaupo siya sa semento.

"Aba'y gago ka pala ahh" umamba siya ng suntok pero nasalag ko yun kaya siya ang sinuntok ko.

*Blaaaaagggg*

Okay one down.

Yung isa naman umatake pero nasalag ko rin. Tyaka ko siya binigyan ng highkick at axe kick. Haha ang engot.

*Blaaaaagggg*

Okay two down. Isa pa

May nilabas sa bulsa nya yung kalbo at laking gulat ko kung ano yon..

Lah dumi ng isip mo. Balisong yon teh.

Oo tama! Balisong. Chong wala namang ganyanan. Pag suntukan suntukan lang walang kutsilyuhan

"Ano natatakot ka na?" tanong nung kalbo.

"Oo, makita ko ba naman yang ganyang mukha mo. Para kang yung multo sa mga horror movies" pagbiro ko pa

"Aba'y tara-"

*Blaaaaagggg*

Bumagsak ren? Wait what!?

"Gago ka ba?!" sigaw nung kalbo na sinapak.

"Partida babae pa yan, napatumba yung dalawa mong kasamahan? Hahahahaha" pamilyar na boses.

Agad ko naman iyong tinignan. S-si Ivan.
Anong ginagawa niya dito. Agad siyang lumapit sakin at akmang hahawakan ako sa magkabilaang balikat ko ng narealized nya na baka masapak ko nanaman siya.

"O-okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako.

Agad niyang hinawakan yung kamay ko at tinulak bahagya paunta sa likod nya.
Bakit niya 'to ginagawa? 'Di ba'y sinapak ko siya? Edi dapat pabayaan niya ako dito.

"Pre, payo lang. Sa susunod na mangti-trip kayo. Yung lalaking kaya kayong palagan. Hindi yung babae na kaya kayong sabayan. Kasi ang laking insulto nyan oh" sabay turo nya dun sa walang malay na kasama nung kalbo "Lalaki pero napatulog ng babae" natatawang sabi ni Ivan.

"Umalis ka na, at ayaw ko ng makikita ang pagmumukha mo dito sa subdivision ng Gym namin. Kung dito ka nakatira, hangga't maaari hahalughugin ko ang buong bahay makita ka lang at mapalayas. Kung makita ko pa ang mukha mo dito, siguraduhin kong 'di ka na sisikatan ng araw" nakangising sabi niya

Agad namang kumaripas ng takbo yung kalbo at naiwan yung mga kasama..
Humarap ulit saakin si Ivan.

"B-bakit mo kailangang g-gawin yon? H-hindi m-mo-" ako.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Wala akong pake kung sapakin mo ulit ako." natatawang tugon niya.

Hindi ko namalayang tumulo ng kusa ang mga luha ko.
Ilang sandali pa'y kumalas siya sa yakap.

"Shhh" aniya sabay hagod sa buhok ko.
Matapos non ay pinunasan nya yung luha sa mga mata ko.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon