Chapter 21

41 2 0
                                    

[Roxanne's POV]

Halos mag-iilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Ivan. Pano ba naman, busy ako sa pagrereview para sa exam. Maging siya rin dahil umuwi ang Mommy at Daddy niya.

Sabi pa niya kapag may time daw ipapakilala ako. Although kilala naman na ako, iba pa rin yung magkita sa personal di'ba. Hindi naman sila against samin kahit na 3 years ang agwat ng edad namin.

Minsan si Ivan pa nga ang nagiging childish eh. Nanjan yung nagpapacute kapag hindi nakikiss. Tapos kunware nagtatampo kasi hindi ko siya pinapansin kapag nanonood ako ng K-drama. Sana daw K-drama nalang jinowa ko. Sabi ko naman kung pwede lang eh. Tas ayon may pout pout pang nalalaman, mukhang bading.

Pero,to be honest namimiss ko siya. Ganon rin kaya siya sakin? Nagkakatext naman kami pero mabagal ang reply, tapos tumatawag siya pero madalang. Naiintindihan ko naman. Busy lang siya.

Biglang may kumatok sa pinto ko. "Pasok." kako tyaka ito bumukas. Bumungad saakin si Manang na may hawak na lalagyan ng maruruming damit.

"Magandang umaga Eliz, Malungkot ka yata?" tanong niya dahilan para mapayuko ako at kalikutin ang mga kuko ko.

"A-ah, okay lang ho ako Manang hehe." pagkunwari ko. Umupo siya sa tabi ko tyaka tinapik ang braso ko. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

"Alam kong dahil yan kay Ivan, hindi pa ba kayo nagkakausap?" tanong ni Manang.

Tumango lamang ako bilang tugon.

"Anak alam mo, kahit gaano katagal kayong hindi mag-usap. Kung talagang mahal niyo ang isa't isa, walang magbabago don." sabi ni Manang habang nakangiti.

Sana nga.

"Oh siya at lalabhan ko na ang mga uniporme niyo at may pasok nanaman kayo bukas." sabi ni Manang tyaka tumayo at kinuha ang mga damit ko para labhan.

Tumingin pa muna siya sakin tyaka ngumiti na parang sinasabi niyang magiging ayos din ang lahat. Tyaka siya lumabas ng kwarto at naiwan akong mag isa.

Bumuntong hininga muna ako tyaka inalis sa isipan ko ang mga negative thoughts. Wala namang magagawa kung mag oover think ako eh.

Inopen ko ang laptop ko tyaka nag videocall sa groupchat namin nila Mayumi,Kylee,Sam,Trisha,Jonna at Jade.

Biglang lumitaw si Jade may hawak na lightstick. Anong trip neto.

"Hoyy babae ano ka ba busy ako. May Online concert ang BTS. Jowa mo ang guluhin mo teh." sabi nya. Mas lalo naman akong nalungkot . "Joke lang! Syempre mas mahalaga ka saken. So ayon nga yon?" tanong niya.

Bigla namang nagjoin si Mayumi. "Hello, napatawag kayo?" tanong niya.

Sumunod naman nagjoin sila Trish,Jonna, Kylee at Sam.

"So anong chika natin sis? Hindi ka naman karaniwang tumatawag samin eh." si Trish.

Nakasubaybay lang silang lahat at inaantay ang sagot ko. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Kasi kung ano anong pumapasok sa isip ko. Lalo na ngayong madalang kaming mag-usap ni Ivan." sabi ko tyaka yumuko.

"Sabi na may problema eh." si Sam

"Yan jowa pa!!" si Jade. Nagtawanan naman sila.

"Hoy Jade baka nakakalimutan mong jowa mo rin si ano ha!" sabi ni Mayumi na tuloy pa rin sa pagkalikot niya sa phone niya.

Hahaha.

"Hoyy miss ko na din yung bwebwekwa." sabi ni Jade tyaka nagpabebe pose.

Saltik.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon