Chapter 1

109 8 0
                                    

[Roxanne's POV]

Nilock ko na yung locker ko at sumunod sa kanila.
Naka indian seat sila ngayon at syempre dahil dyosa ako 'di ako papayag na sumalampak jan sa sahig no. Duh kaderder. charot hahaha. Baka kaltukan pa ako ni coach.

Umupo ako sa pinakalikuran.
Nagsimula na sa pagsesermon si Coach hay nako nakakasawa.

"Lalo ka na Roxanne! Dapat ikaw ang nag lelead sa mga ka team mo! Puro hangin!" sambit ni Coach Jhen pinaka kinakainisan nya akong estudyante kaya nasanay na akong ako ang pinagbubuntunan nya. Ewan ko ba. Nasasapawan ko kasi sya. Sa palagay ko may gusto din yan kay Coach Ernest. As if naman gusto siya non.

"Okay nang mahangin, atleast may ibubuga. Di puro sermon ni sa level ng talampakan ko 'di makalampas" kako sabay unat unat ng katawan.

Kita ko naman binabalaan ako nung mga ka team ko na wag na patulan. Yung mga mukha nila parang sinasabing
hoy-gaga-anong-pinagsasasabi-mo.

"You bitch!" sigaw sakin ni Coach jhen kaya napatayo lahat ng ka team mates ko.
Hinarang ako ni Xyle dahil akmang sasabunutan ako ni Coach jhen.
Mainit talaga dugo sakin nitong babaeng to.
Tsk.

Gulat ko nang biglang pumasok si coach--
si Coach Ernest--
she-shemay ang g-gwapo nyaaaaaaaa

Agad akong bumalik sa katinuan nang bigla magsalita si coach Ernest.

"Hey you jhen, what's wrong!" sigaw nya tyaka patakbong tumabi saken.

Bleh wala ka Coach Jhen ako yung gusto bLeh.

Kita ko namang inerapan ako ni Coach Jhen at padabog na umalis sa Gym.

Hinawakan ni Coach Ernest ang magkabilang balikat ko at hinarap nya ako sa kanya.

"Are you okay?Nasaktan ka ba?Tell me where it hurts!?" nag aalalang tanong ni coach.

Nangitla ako nang biglang nagtilian yung mga ka-team mates ko.
Hinawakan ni Coach Ernest yung kamay ko na ngayo'y nakaturo sa bandang--
San bandang chest ko.

Bruh bat nakaturo dito sa bandang puso ko?

"Xanne?'di ka ba makahinga? What's wrong?" tanong ni Coach Ernest dahilan para matauhan ako

"N-nothing Coach" sabi ko sabay yuko.
Shems nakakahiya kaaaa

Tinapik nya nang bahagya ang mga balikat ko. Sabay ngumiti.

Coach nemen eh eyen ke nenemen.

"C-coach i have to go" sabi ko tyaka nag bow.

"Okay sige" sabi lang nya.
Wow? Yun lang?

Iiwan ko muna si Xyle dahil aayusin ko yung bagong bili kong Apartment.
Yep. Aalis muna ako sa bahay. Kailangan ko maging Independent.
Hindi naman habang buhay ay nandyan sina Manang Ester para tulungan kami. Tyaka malapit din kasi sa school ko yung Apartment.
Mag se-senior high na ako next School Year napagpasyahan kong sa private pa rin mag aral.

"Xyle, yuhoOo" sigaw ko sabay kumaway.

Puspusan siya sa pagtraining. Pangarap nya talaga maging isang isakt at tanyag sa larangan ng Martial Arts.

"Ate, where are you going?" tanong nya.

Lumapit ako sa kanya. Dahilan para mapa-pause sila sa pag eensayo.

"Uuwi muna ako sa Apartment, aayusin ko lang mga gamit ko don. Magpapakabait ka kina Manang Ester ah?Pero uuwi naman din ako kinabukasan kaya mababantayan pa rin kita." sabi ko.

"Hayst Ate. 'Di mo na po ako kailangan bantayan. Big boy na ako oh." sabi nito sabay kamot sa batok.

Nag aalala pa rin ako sa kapatid kong to. Kahit na ganyan siya kasigla. Inaalala ko yung Asthma nya. Nung una'y di talaga ako sang ayon na magtraining siya. Pero mapilit. Kitang kita naman na nag eenjoy siya. Kaya bat ko hahadlangan yung kasiyahan?

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon