Chapter 19

32 5 0
                                    

[Ivan's POV]

"With 10 Wins and 0 loses, the winner is!" -Announcer.

Tinaas niya ang right hand ni Roxanne na siyang hudyat ng pagkapanalo niya.

"From the Red Corner! Roxanne 'The face Wrecker' Castalèho!" sigaw nung announer.

"Whuuuuy idol!"

"Roxanne!!"

"Halimawwwww kaaaaa!!"

sigawan ng mga manonood.

Tch.

"Anong masasabi mo sa pagkapanalo mo mula kay 'Devil Gracia' " tanong nung announcer.

Akmang lalabas na sana ako ng

"May isang tao, na nagsabi sakin. Na ang ulo ay konektado sa tenga, ang mata ay konektado sa ilong. At higit sa lahat. Ang mata ay konektado sa utak. Na kung saan nag focus ang mata, doon rin ang Utak. Kaya't ugaliin na, sa kalaban tumingin, huwag  sakaniya. Dahil hindi siya ang kalaban." sabi niya habang nakatapat ang mic sa kaniya.

Dahan dahan ko siyang nilingon. Nakatingin siya ngayon saakin.

Ako yung tinutukoy niya.

"May mga bagay talaga, na mahirap sabihin dahil komplikado.
Pero may mga bagay din na mas mahirap ipaliwanag, kaya hindi mo magawang sabihin." dagdag pa niya habang nakatingin pa rin sakin.

Roxanne huwag mo gawin 'to! Mababaliw ako.

Dahan dahan siyang naglakad palabas sa ring at unti unting lumapit saakin.

'Yieeee"

"Sweeeeeet."

"Jowa nya yaaan? Ang gwapoooo"

sigawan ng crowd.

Nasa tapat ko na siya ngayon. Nasa tapat ko yung babaeng nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.

Babaeng hindi ko inaasahang gugustuhin ko.

"Ivan." nakangiti niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at naglakas loob na magsalita.

Aamin na ako.

"Gusto kita!" sabay naming sabi.

Na kinagulat naming pareho.
Sa pagkakataong ito. Walang tao sa paligid. Kami lang. Kami lang ang magkasama.

Ngumiti siya tyaka umiling iling.

"Hindi ko alam, kung paano, saan, kailan, at bakit. Para siyang aksidente na di 'ko inaasahan." sabi ko.

Ngumiti muna siya bago magsalita "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Lim." sabi niya habang nakangiti.

Ang sarap sa pakiramdam na tawagin niya ako sa apilyido ko.

"Ganda sana ng apilyido mo Castalèho, kung apilyido ko ang kadugtong." banat ko pa dahilan para mamula ang mga pisngi niya.

Akalain mo iyon. Isang Roxanne Eliz Ayento, Castalèho. Ngumingiti at namumula sa harapan ko.

"Congratulations!" sabi ko sabay yakap sa kaniya. Tinugunan niya naman iyon.

Matapos non ay sabay kaming nanood ng laban ni Shaun..

Naisip ko tuloy kung anong naramdaman ni Shaun kanina nung magtapat kami sa isa't isa ni Roxanne. Na-guilty ako bigla.

Tinapos namin ang laban nila Xyle, Carl, Shane at Shaun.

Ang nanalo ay sila Xyle, at Shane.

Talo naman si Shaun at Carl.

Base sa napanood ko kanina. Si Shaun sa palagay ko'y sa Taekwondo talaga siya mahusay. Sabihin na nating may sipa rin sa Muay Thai. Pero alam ko na nasanay siyang sipa lang dahil sa Taekwondo. Malakas siya sa depensa, mahina sa atake, lalo na sa punch. Wala siyang problema sa kick at Elbow.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon