[Roxanne's POV]
Tapos na ang training naman kaya naman bumaba na ako galing gym. Nagpaalam muna ako kila Coach.. Speaking of Coach, nakalabas na raw ng hospital si Jhen. Buhay pa pala?
Mag-isa ko nanaman maglalakad..Sumagi nanaman sa isip ko yung pagharang sakin ng mga lasinggero dito sa subdivision ng Gym namin.
Nadatnan ko naman si Ivan na nakatayo..Ano namang ginagawa niya jan.
Tss mukhang sira..
"Maglalakad ka rin?" i asked.
Dahan dahan siyang lumingon saakin at halatang nagulat. Kaya agad kong kinapa ang mukha ko..Baka may dumi.
"A-ah, yah." sagot nya na hindi makatitig sakin ng maayos. Anong nangyayare sayo abno?
"Okay then, tara..Wala din akong kasama." nakangiting anyaya ko. Namilog ang mga mata niya na nakatingin lang sakin.
Takhang tingin ko naman siyang tinignan. "What? ayaw mo?..Then mauuna na—" naputol ang aking mga sasabihin ng
"Tara." sabi niya tyaka naunang naglakad.
Hindi ko maintindihan yung kinikilos niya. Ganyan ba talaga kapag lalaki?Weird
"By the way, pinsan mo si Shaun di'ba?" tanong ko tyaka pilit binilisan ang paglakad para maabutan siya. Bakit ang ilap niya? Napapangitan ba siya sakin?
"A-ah oo, b-bakit?" tanong ni Ivan. Napakunot noo naman ako. Hinarang ko ang dadaanan niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. Tinitigan ko siya at agad niya iyong iniwas. Naiilang ba siya? Bakit? Anong rason?
"Umamin ka nga sakin.." saad ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Bakla ka 'noh?" tanong ko.
(-,-'')---Ako
(-_-!?) ---Siya.
"Umamin ka na, hindi kita ija-judge." nakangiting sabi ko.
Napakamot siya sa batok niya at natawa habang nakayuko.
Kind'a cute..
"Hindi ako shokla sis!" sabi niya tyaka kami parang tanga na tumawa sa gitna ng kalsada.
"Hindi ba?" natatawang tanong ko para iconfirm.
"Hinding hindi." natatawang sagot niya. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya nauutal, umiiwas ng tingin o naiilang. Nakaramdam ako ng gaan sa pakiramdam.
"Gusto mo non?" tanong niya sakin, sabay turo dun sa kulay orange na bilog..Orange ba prinito ba yon? Ngayon lang ako nakakita ng prutas na prinito.
"Ano yon?" tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya na parang 'di nakapaniwala.
"Streetfoods..?" patanong na sagot niya.
"Alam kong street foods yan girl..Pero ano yan? Hindi pa ako nakakatikim." sabi ko. Ngumuti naman siya tyaka hinika ang braso ko at nagpunta kami papunta tindero.
"Edi tikman natin." sabi nya tyaka kumuha ng baso at stick.. Iniabot niya saakin yon at kinuha ko naman.. Seryoso, hindi pa ako nakakakain..Madalang kaming lumabas ni Xyle. Although nadadaanan namin 'to palagi..Hindi sumagi sa isip kong bumili jan.
"Manong sampong piso po, dalawa. Tapos limang pisong gulaman." sabi ni Ivan tyaka inabot yung bayad kay Manong tindero.
Tumusok naman ng limang piraso ni Ivan tyaka nilagyan ng color brown na tubig..
"A-ano yan?" tanong ko. Muntik pa siyang mabilaukan. Kaya uminom siya ng gulaman ba yon?.
Natawa naman si Manong tindero..
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AksiBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...