Chapter 24

40 2 0
                                    

[Roxanne's POV]

Ilang araw ang lumipas nang matapos ang graduation namin. Walang bago. Same routine.

Aaminin ko, madaming nagbago sakin matapos ang nangyare samin ni Ivan. At aminado akong hindi pa ako nakaka move on sa kaniya.

Hindi kasi ganoon kadali kalimutan yung taong nagkaroon ng malaking papel sa buhay mo eh.

Hindi ko ikakaila na naging basagulera rin ako non. Lahat ng mapagtripan ko binubully ko dahil sa kanila ko binubunton ang galit ko. Nagpakalango rin ako sa alak

But then i realized, The most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too.

Hindi masamang magluksa at maging broken, ang masama e yung papabayaan mo ang sarili mo dahil lamang sa problema.

Ang problema nawawala yan, ang sarili mo? Kapag nawala, hindi na maibabalik.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga kadramahan ko.

"Hayst Xanne! Think positive! Kaya mo yan ikaw pa huu" saad ko. Tyaka akmang tatayo na mula sa pinto ng Gym namin.

Balik training ulit ako para sa last fight ko dito sa pinas.

Rematch daw namin ni Devil Gracia.

Natatawa nalang ako dahil ilang taon na ang lumipas hindi nya pa din tanggap ang pagkatalo nya.

"Roxanne."

Nangitla ako bigla ng marinig ang boses na iyon.

Ivan

"What are you doing here?"mataray na saad ko. Tyaka akmang aakyat na sa Jiu-Jitsu Center ng bigla nya akong hilahin dahilan para masubsob ako sa dibdib nya.

Marahas ko syang itinulak tyaka sinampal.

*plaaaaak*

"What's wrong with you!" inis na saad ko.

Nakangisi lamang sya. "Tell me that you still love me Eliz."

"Haaaa" kunwaring namamanghang tugon ko. "Are you out of your-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong siniil ng halik.

Self humiwalaya ka!

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kumalas mula sa halik ngunit-

Hindi ko namamalayang tinutugunan ko ng ang halik ni Ivan.

Damn! Ba't ang rupok ko. I'm so freaking fragile.

Ilang minuto pa'y humiwalay na sya sa halik. Nanatili akong nakapikit.

Tila naiwan ang labi nya mula sa labi ko. Hindi ko maramdaman ang sarili ko labi.

"Now, say you don't love me." saad nya.

Hinahamon mo ako ha.

"I don't love you-"

Agad nanaman niya akong siniil ng halik na akin nanamang tinugunan.

Humiwalay sya at tumawa ng marahan. "You don't love me huh?" sarkastikong saad nya.

"Yes! I don't-"

Mabilis nya akong niyakap. At sa pagkakataong iyon tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"I love you Roxanne." saad nito. Rinig ko ang paghagulgol nya base sa kaniyang boses.

"Please let me explain." saad nya habang tumatangis.

Hindi 'to pwede Roxanne. Huwag ka ng magpapaloko. Dalawang beses ka ng niloko ng lalaking pinagkatiwalaan mo. Una si Gio, ngayon ay si Ivan. Madala ka na.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon