Chapter 17

38 5 4
                                    

[Mayyie's POV]

Mabilis umusad ang oras at ngayo'y nandito ako sa Gym.

Buo na ang loob ko, tama si Manang. Mas maigi kung aalamin ko ang rason niya kung bakit,..Bakit nya ako iniwan..

May mga bagay kasi na pinangungunahan natin, kaya madalas ay hindi naaayos ang gusot.

"Ernest." naiusal ko. Napatingin sila sakin. Bakas sa mukha ni Ernest ang pagkagulat at pagtataka

May dalawang lalaki siyang kasama na sa palagay ko'y mas matanda lang kay Xyle ng ilang taon..

Tinanguan sila ni Ernest at nagpunta sila sa office. Walang ibang tao ngayon maliban saming dalawa. Siguro ay maaga pa, maging sila Roxanne at Xyle ay wala pa rito.

Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan habang siya naman ay unti unting tumayo.

Sana lang ay may maayos kang paliwanag.

"Kamusta ka naman?" tanong niya tyaka iginiya ako sa upuan. Tyaka kami umupo.

"Ayos lang." sagot ko.

Bumuntong hininga namab siya na paramg kumuha ng lakas ng loob para kausapin ako.

"May, Pasensya na ku—"

Hindi siya nakapagsalita ng dali ko siyang siniil ng matamis kong halik at agad namab niyang tinugunan.

Yung puso ko parang kakawala. Sa hindi ko malamang dahilan, yung matigas kong puso ay muling lumambot dahil sa halik na iyon. Sa pagkakataong ito. Wala akong ibang nararamdaman kundi tuwa.

Kusa akong bumitiw sa halik na iyon at lamayo ng bahagya sakanya. Muli siyang dumilat at sa pagkakataong iyon parang burado na ang galit at tampo na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Nandito ako para hayaan kang magpaliwanag." nakangiting saad ko.

Ngumiti siya bago magsalita "Salamat at—"

Hindi niya muling natapos ang sasabihin niya ng sinunggaban ko siyang muli ng halik. Hindi gaya ng kanina, mas mabilis iyon at hindi ko pinatagal.

"Wala akong ibang gustong marinig kundi ang iyong paliwanag." sabi ko.

Natawa siya bago magsalita. "Pero —"

Hinalikan ko muli siya.

Ang kulit.

Napangiti siya tyaka hinawakan ng kaniyang magkabilang kamay ang aking pisngi at iniharap sa kaniya.

"Hindi ko gustong iwan ka." saad niya habang unti unting nanggilid ang kaniyang mga luha. Agad ko naman iyong pinunasan gamit ang aking mga kamay..

"Alam ko, kaya nandito ako para alamin yung rason." sinserong saad ko.

Ngumiti siya habang titig na titig sa aking mga mata..

"Alam kong kaya ka dinala ng Mommy mo sa ibang bansa ay para mapaghiwalay tayo. Minsan na rin niya akong binayaran para iwan ka pero hindi ko tinanggap, dahil mahal kita at walang salapi ang makakatumbas don. Pero, hindi ko kinaya nang minsan ay sinabi niyang ipapakasal ka sa iba kapag hindi kita hiniwalayan. Kaya napilitan akong sumunod. Ayaw kong makita kang masaya sa iba Mayyie, ikakamatay ko." naiiyak na saad niya..

Ngayon alam ko na. Sana hindi kita pinangunahan.

"Mahal na mahal kita Ernest." saad ko tyaka muli siyang ginawaran ng halik.

Mahal na mahal na mahal.









[Roxanne's POV]

Hapon na at nagtungo kami ni Xyle sa Gym..

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon